Nhel
" Nhel, bangon na! Hindi ka ba papasok sa school?" si ate Merly yun ginigising ako.
Bigla akong napabangon at tiningnan ang oras. Naku! 7 am na pala, kailangan ko ng magmadali. Dapat makaalis ako ng mga 8am dito sa bahay kundi aabutan ako ng sobrang traffic sa Taft.
" Anong oras ba ang pasok mo ngayon at tanghali ka na gumising? si ate uli.
" 10 am ate, pasensya na medyo napuyat kasi ako." sabi ko.
" Naku! Alam ko na yan kung bakit.Siguro pinagpuyatan mo na ulit-uliting basahin ang sulat ni Laine ano? Tama ba ako ha Nhel?" asar ni ate.
Napangiti ako sa sinabi ni ate.May dumating ngang sulat si Laine, inabot sa akin ni Manang Simang kagabi pagdating ko galing school.
It's been a month since the last time I saw her, yun yung hinatid nkya ako dito.I can't forget that afternoon nung umuwi na sila ni Mang Gusting. Ayaw naming bumitaw sa isat-isa.Kung di pa kami sinabihan ni ate na gagabihin na sila ay hindi pa kami maghihiwalay.I kissed her forehead one last time then she turned away without looking back.I know she's hurt too.
Hindi pa ako nakakauwi since then dahil may class ako tuwing Saturday hanggang gabi kaya sumulat ako kay Laine para malaman niya ang sitwasyon ko at sinagot niya na nga ang letter ko na paulit- ulit kong binasa kagabi kaya ako napuyat at tinanghali ng gising.I missed my babe so much.
" Hello Nhel are you here? Ang lawak ng ngiti natin ah!" asar ulit ni ate.
" Ang understanding talaga ni Laine teh, kung nahihirapan daw ako sa sched ko okay lang daw na huwag muna akong umuwi basta sumulat na lang daw ako lagi." sabi ko.
" Maswerte ka talaga sa kanya.Eh ikaw kaya mo na bang hindi siya nakikita?" tanong ni ate.
" Medyo teh, I just keep myself busy at school para kahit paano mabawasan ang pangungulila ko sa kanya." sagot ko.
" Well, that's good..Sige na gumayak ka na at mag breakfast baka ma-late ka pa." sabi ni ate at iniwan na ako.
Mabilis naman akong natapos at nagpaalam na ako kay ate para pumasok na.
" Hi!Nhel pwede ba akong sumabay sayo?" boses ng babae at alam ko na kung sino.
Heto na naman itong babaeng ito. Ilang araw ko ng napapansin na sinasadya niya laging sumabay sa akin.Si Peachy yan, kapatid ng kumare ni Ate. Bago lang din siya dito at freshman din siyang katulad ko sa katabing University ng pinapasukan kong school .Simula nung ipakilala siya ni ate sa akin 2 weeks ago, palagi na lang siyang pumupunta sa bahay. Ayokong bigyan ng kulay yung ginagawa niyang pagbibigay ng kung ano-ano pero lately hayagan na niyang sinasabi kay ate yung pagkagusto niya sa akin.Sinabi ni ate sa kanya na may girlfriend na ako pero parang deadma lang siya.Ngayon heto na naman siya makikisabay eh 3 days na niya akong tinityempuhang sabayan.I wonder kung pareho kami ng schedule eh hindi ko naman siya nakikita nung first week.
" Ah eh nagmamadali kasi ako baka maiwanan lang kita." sabi ko.
" Naka rubber shoes naman ako kaya kitang sabayan." pilit pa niya.
" Sige bahala ka!" naku patay ako kay Laine nito pag nalaman niya to.I'm just a poor gentleman babe.Sorry.
Buti na lang mabilis kaming nakarating ng school at laking pasalamat ko dahil walang traffic. Ayokong ma-stuck ng matagal kasama si Peachy.
" O bro aga mong busangot dyan.Ano problema pare?" si Dennis yon kaklase ko at barkada na rin.
" Yung kapitbahay kong kinukwento sayo bro sinabayan na naman kasi ako. Naiilang ako masyadong madikit." sabi ko.
" Naku mahirap nga yan lalo na kung may girlfriend ka na.Maganda ba?" tanong niya.
" Maganda naman at sexy kaya lang hindi ko type ang ganon bro, may pagka liberated." sagot ko.
" Naku ako rin dehins sa akin yun.Tara na nga naghihintay na yung tatlo sa lobby kanina pa." aya ni Dennis.
Lima kaming magbabarkada sa college of Engineering.Bukod sa amin ni Dennis may isa pang lalake kaming kasama, si Paul, yung dalawang babae sina Melissa at Isabel.Sila yung mga naging kasama ko simula nung mag start ang klase at naging close naman agad kami dahil pare-pareho kaming mga bagong salta ng Manila.Madalas kong ikwento si Laine sa kanila and they are dying to meet her.
Maagang natapos ang class ko kaya napagpasyahan kong umuwi na lang kahit niyaya ako nila Dennis na gumala. Gusto kong gumawa ng letter para kay Laine.
" Hi! Nhel maaga ka yata?"
Bakit nandito na naman to, pumasok ba to kanina? Since gentleman ako, pinansin ko naman siya.
" Wala yung prof namin sa last subject eh.Wala ba si ate?" tanong ko kay Peachy.
" Nandyan sa loob, mas gusto ko kasi dito sa labas na lang." sagot niya.
" Ah ganon ba, sige pasok na muna ko gagawa pa kasi ako ng letter para kay Laine." sabi ko na parang may gusto akong ipaintindi sa kanya.
" Laine? Sino siya?" gulat na tanong niya.
" Girlfriend ko." walang gatol na sagot ko.
" M-may g-girlfriend ka na? Kelan pa?" nag-stutter pa siya.
" Oo matagal na kami.Hindi mo pa ba alam? Hindi ba nasabi na ni ate sayo?" tanong ko.
" Parang nabanggit na nga niya pero hindi ko masyadong inintindi akala ko nagbibiro lang siya.Sabagay sa itsura mong iyan imposible na wala ka pang girlfriend.Ang swerte naman niya." sagot niya.
" Ako ang maswerte sa kanya.She's my dream girl.A girl that any man wants to have." sabi ko na talagang ipinagmamalaki ko pa kung gaano ako ka-swerte.
Hindi siya kumibo.Parang biglang nalungkot ang itsura niya. At doon ko nakumpirma na may gusto nga siguro siya sa akin.
" Sige ha, pasok na ako maiwan na kita diyan." paalam ko at dali-dali na akong pumasok ng hindi na hinintay ang sagot niya.
Sana naman wag na niya akong istorbohin. Ayoko na uling may babae na namang ma-involve sa pagitan namin ni Laine.Hanggat maari gusto kong umiwas sa mga nagpaparamdam.Hindi naman sa nagyayabang ako, I've been there before at nagka- playboy image tuloy ako dahil sa pagiging gentleman ng sobra at mapagbigay sa mga girls noon.Ayokong magka-problema kami ni Laine. Sobrang mahal ko siya at dahil sa kanya nagbago ako.
Okay lang sana kung friendship lang ang gusto ni Peachy sa akin tulad nung dalawang barkada ko sa school na si Mhel at Isa.It's obvious na may mas malalim pa siyang gusto higit sa pagkakaibigan.
Inspired akong gumawa ng letter para kay Laine habang nakaharap ako sa picture niya na nasa study table ko.Inabot ko yung picture frame at para akong tanga na kinakausap ko siya.
Hay naku! Para na akong baliw nito.Miss na miss na kita.Nami-miss ko ang mga luto mo.Ang pag-aasikaso mo.Ang mga paglalambing mo.At syempre ang mga yakap mo, ang mapupulang labi at mabangong hininga mo.
Wow, parang ang perv ko dun sa huling sinabi ko pero aminin ko nami-miss ko talaga yung una't huling halik na pinagsaluhan namin.
Ang tagal naman ng sem break, gusto ko ng umuwi.
******
Laine
" Dad, I'm home." masaya kong sabi kay daddy na nakaupo sa garden chair namin.
" Oy baby, kailan pa naging Mercado ang surname mo? Bakit hindi yata ako na-informed ha?" seryosong sabi ni daddy habang may inaabot na sulat.
" Huh!" may pagtataka sa mukha ko nang kunin ko ang sulat mula sa kanya.
Napangiti ako ng makilala ko ang sulat kamay na nasa sobre.
To: Ms.Alyanna Maine Guererro Mercado
Fr: Mr.Nielsen Emmanuel Mercado
Si Nhel talaga puro kalokohan, kaya naman pala ganun ang reaksyon ni dad.
" Laki ng ngiti mo ah. Lokong bata yan pinapalitan na agad ang apelyido mo ng hindi nagpapaalam sa akin! " inis na sabi ni dad na pinipigilan naman ang ngiti.
" Sus, daddy para namang hindi ka boto kay Nhel, if I know mas mahal mo pa siya sa akin." sabi ko kunwari na nagtatampo.
" Tampo ka naman agad, syempre pag mahal mo, mahal din namin.Sige na pasok na sa loob para mabasa mo na yan.If I know, kanina ka pa kinikilig dyan." pang-aasar pa ni daddy.
Niyakap ko si dad at hinalikan sa pisngi.
" Thanks dad, the best ka talaga."
" Heh! Bolera ka talaga! Hahaha."
Nagmamadali akong nagbihis at humiga sa kama.Excited kong binuksan ang sulat.Sobrang laki ng ngiti ko habang binabasa ko ito, heto bale yung second letter niya sa akin. Hirap kasi siya sa schedule niya. May classes siya hanggang Saturday night. Kung uuwi siya ng Sunday morning dito saglit lang din siya dahil kailangan niya rin makabalik kaagad.Kaya napagpasyahan kong sabihin sa kanya na magsulatan na lang kami at sa sem break na lang siya umuwi.
Mahirap para sa amin yun pero kahit paano nasasanay na rin ako.Nililibang ko na lang ang sarili ko sa mga barkada namin pag weekends at subsob ako sa pag-aaral during weekdays.
Kinwento niya na may mga kabarkada na siya sa school, two boys and two girls. Huwag daw akong mag-alala sa dalawang girls kasi friends lang talaga ang turingan nila.
Hahaha.Napaka-defensive naman. Alam naman niyang hindi ako ganun kaselosa. Hangga't hindi nakikita ng dalawang mata ko hindi ako nagseselos.Sa aming dalawa, siya yung ubod ng seloso. Ayaw nga niyang may tumitingin na ibang guys sa akin.But I understand him, mahal lang niya talaga ako, that's why.
Mayroong part ng sulat niya na nagsasabi na mayroon daw siyang kapitbahay na parang may gusto sa kanya.Lapit daw ng lapit sa kanya pero hanggat maari daw iniiwasan niya. Kapatid daw kasi ito ng kumare ni ate Merly kaya ayaw din naman niyang bastusin. Eto yung gusto ko kay Nhel, hindi siya naglilihim sa akin.
Hindi ko naman maiaalis na walang magkagusto sa kanya.Gwapo talaga siya at walang hindi mapapalingon kapag naglalakad siya.Pero sorry na lang sila, akin ang nilalang na pinagnanasaan nila.
Haha..hindi ka naman possessive niyan ha Laine?
Marami pa siyang kinwento sa letter niya, kung ganito ba naman lagi hindi na ako ganun kalungkot pero sobrang miss ko pa rin siya.Ang tagal naman ng sem break.Miss na miss na kita bebeh ko.
********
" Happy birthday Laine! " si Candy at Rina yon, maaga silang nandito sa bahay para batiin ako.
" Thank you friends! Si Wil at Pete ba nandyan sa kanila?" tanong ko.
" Ah oo mamaya andito na si Wil hanggang 3pm lang ang klase nun."
sabi ni Candy. Alam na alam ang sched ni Wil dahil sila na nung summer pa.
" Si Pete nandyan na, kagabi pa umuwi. Wala daw silang work ngayon dahil anniversary ng company nila." si Rina yun na ever loyal gf ni Pete, sila na rin before pa maging kami ni Nhel.
" Buti naman kahit kayo lang masaya na rin tong birthday ko kahit paano, plus my family and Nhel's family, wagi na." sabi ko na pinilit na ngumiti.
" Hindi ba sinabi ni Nhel sa sulat niya na uuwi siya ngayong birthday mo?" tanong ni Rina.
" Wednesday ngayon Rins hanggang 6pm ang class niya, masyado ng gabi kung uuwi siya diba? Okay na yun, may card naman na dumating kahapon galing sa kanya.Happy na ako dun." sincere kong sabi.
" Nakaka-miss din kasama si Nhel sa mga lakaran natin no insan? Bumawi na lang tayo sa kanya pag-uwi niya." sabi ni Candy.
" Oo naman.Tara na sumabay na kayo sa amin para hindi na kayo mag-commute. Mamaya ha medyo agahan ninyo, darating mga classmates ko, papakilala ko kayo." bilin ko sa dalawa.
" Okay friend!" sabay nilang sabi.
Kinagabihan, maraming bisita ang dumating, mga classmates ko, barkada, family ni Nhel at yung ibang mga kalugar namin.Dumalo din yung mga ibang kaibigan ko sa katabing school namin.So far, masaya naman ang birthday celebration ko pero mas masaya sana kung nandito si Nhel.Pero okay lang almost 2 months na lang sem break na, magkikita na rin kami.
" Alyanna Happy birthday! Here's my gift for you." boses yun ng dati kong manliligaw na si Echo.
" Thank you Echo, come, join my classmates there on the pool side."
aya ko sa kanya papunta sa mga kaklase ko na mga kaibigan din niya.Magkatabi lang ang school namin, iisa ang may-ari ng mga school namin.Exclusive for boys yung kanila.Kapag may okasyon nagkakasama-sama ang dalawang school sa isang malaking gym na pag-aari ng parehong school.Kaya halos magkakakilala na rin kami.At dun ako nakilala nitong si Echo ng magkaroon ng joint celebration ang magkapatid na school namin.Naging kaibigan ko na rin ang ibang mga kaklase niya.
Ngumiti siya at sumunod sa akin.Natatawa ako ng lihim sa kanya kasi parang nahihiya pa rin siya sa akin. Binasted ko kasi siya nung manligaw siya sa akin last year, sabi ko friends na lang kami dahil may Nhel na ako.Nung una ayaw niyang maniwala pero nung makita niyang sinusundo ako ni Nhel sa school, hayun parang makahiya na tumitiklop pag nilalapitan ko siya.Gusto ko siyang maging kaibigan kasi mabait siya pero nahihiya nga siya.
" Guys isali niyo naman diyan si Echo. Wait lang tatawag ako ng magse-serve ng food dyan." sabi ko sa mga classmates ko.
" Alyanna wala yata yung gwapo mong boyfie?" tanong ni Melanie yung kaklase kong Fil-Am.
" Wala eh sa Manila kasi siya nag-college." sagot ko.
" Yahoo! May pag-asa pala ngayon si Echo, walang bantay!" sigaw ni TJ yung pinaka makulit na classmate ni Echo.
Nagkagulo sa pang-aasar sa amin ang mga kaibigan namin.
" Heh! Tumigil nga kayo, nag-aaral lang yun sa Manila kaya wala pero kami pa rin hanggang ngayon." sabi ko at iniwanan na sila para estimahin naman ang iba.
10 pm na nung matapos ang party ko.Huling umalis ang barkada kasabay ng pamilya ni Nhel.Nakaligpit ng lahat at malinis na nung maisipan kong pumasok na sa room ko.Si mommy at si tita Baby na lang ang iniwan ko sa kusina dahil tulog na si daddy at ang mga brothers ko.
Pagkatapos kong mag-shower humiga na agad ako at nag -pray then natulog na ako dahil sa sobrang pagod.
Hindi ko alam kung nananaginip ba ako pero parang may naulinigan akong nagsalita.
" Happy Birthday!" at hinalikan ako sa pisngi.