Nala POV NAGKAGULATAN pa kami ni Gordon ng makita namin ang isa't isa sa harap ng bahay ni Mannox at Cassandra. Kabababa ko lang sa taxi at si Gordon naman ay nasa sasakyan nya. "Nala, what are you doing here?" Kunot noong tanong nya. Ngumuso ako at lumapit sa gilid ng sasakyan ni Gordon. Kung magtanong sya parang ngayon lang nya ako nakitang pumupunta dito sa bahay ni Mannox at Cassandra. "Pinapunta ako ni Cassandra." Sabi ko sabay dukwang sa kanya. Kinintalan naman nya ako ng halik sa labi. Kumislot naman ang puso ko sa kilig. "Dapat sinabi mo sa akin para nasundo kita sa inyo." "Malay ko bang pupunta ka rin dito. Akala ko kasi busy ka." "Yes I'm busy, pero pinapunta ako ni Mannox dahil may pag uusapan kaming importante." Tumango tango ako. Malamang ay alam na rin nya ang

