Gordon POV NAGPAKAWALA ako ng malalim na hininga habang hinuhubad ko isa isa ang damit. Galing sa bahay ni Diosdado Pareñas para ihatid si Nala ay dito ako dumiretso sa bahay ko. Nag shower na ako kanina pero magsho-shower ako ulit para patayin ang init na nagliliyab sa loob ng aking katawan. Paghubad ko sa huling saplot ay pumasok ako sa banyo at agad na tumapat sa ilalim ng dutsa. Binuksan ko ang shower at bumuhos sa aking nag iinit na katawan ang malamig na tubig. Tumingala ako at pumikit. Hinayaan kong bumagsak sa aking mukha at katawan ang malamig na tubig. Pero sa ginawa ko ay tila naman tuksong lumitaw sa aking isipan ang magandang mukha ni Nala. Ang kanyang matamis na ngiti sa labi. Ang kanyang mga matang nangingislap habang nakatingin sa akin na para bang ako ang taong pinaka g

