Nala POV "MA'AM Nala, pasensya na po naipit ako sa trapik. May banggaan po kasi." Bumuntong hininga ako sa sinabi ni Kuya Ron sa kabilang linya. "Ayos lang kuya, bumalik na lang kayo sa bahay. Mag co-commute na lang ako." "Naku hindi po ma'am. Susunduin ko po kayo. Hahanap na lang po ako ng ibang ruta. Hintayin nyo na lang po ako. Mabilis lang ako." "Hindi na nga Kuya Ron. Magco-commute na lang ako. Maaga pa naman, huwag kang mag alala sa akin." "Sige po ma'am, bahala na kayo. Basta mag iingat kayo." "Oo." Pinatay ko na ang cellphone at nilagay sa bag. Nagpalinga linga ako para tumingin ng taxi na dumaraan. Pero natigilan ako ng may humintong pamilyar na kotse sa aking harapan. Kumabog ang dibdib ko ng bumaba si Gordon. Makalipas ang isang buwan ay ngayon ko na lang sya ulit na

