Nala POV "DAMN it! Paano nangyari na nalaman nya ang tungkol sa deal na yun? Sikreto ang pakikipagkita ko kay Mr. Secretario.." Natigilan ako ng marinig ang galit na boses ni daddy. Nakita ko sya sa sala na palakad lakad habang nasa bewang ang isang kamay. Nakaguhit sa kanyang mukha ang iritasyon. Lukot ang kanyang noo at nangangalit ang panga. Panay din ang mura nya sa kausap sa kabilang linya. Ngayon ko na lang sya ulit nakitang nagalit sa kausap. Mukhang nagkaproblema na naman sa negosyo nya. Hindi naman maiiwasan yun sa negosyo. "Bullshit! Kahit kelan talaga palpak ka.." Bumuntong hininga ako at hinintay munang matapos si daddy sa pakikipag usap sa kabilang linya. Himala nga na maaga syang umuwi ngayon. Yun nga lang ay mainit ang kanyang ulo. Nang matapos ng makipag usap si dadd

