Nala POV "YOU know teenagers Mr. Maceda, gusto nila ng atensyon. Just like my daughter. Well, naiintindihan ko naman ang anak ko dahil nagkukulang din ako ng atensyon sa kanya. Kaya bilang bawi, pinasyal ko sya ngayong araw at pinag shopping sya." Napanguso ako sa sinabi ni daddy. Si Gordon naman ay ngumisi ng nakakaloko. Tapos na kaming kumain pero hindi pa kami lumalabas ng restaurant dahil hindi pa tapos mag usap si daddy at si Gordon. "Bata pa ho kasi ang anak nyo at kailangan pa ng atensyon at gabay nyo." Ani Gordon. Umingos naman ako. Talagang lagi nyang ginigiit na bata pa ako. "Sinabi mo pa. Kaya nga maingat ako sa kanya dahil nag iisa ko syang anak. Gusto na nga nyang magboyfriend pero pinipigilan ko dahil bata pa sya at nag aaral pa." Dagdag pa ni daddy. Mahinang tumaw

