Gordon POV MALAYO ang tanaw ko sa labas ng floor to ceiling glass wall ng opisina ko. Kalalabas lang ni Mannox at ng anak nya dahil tumawag si Cassandra at pinapauwi na sila. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit sa kaibigan. May pamilya na sya, asawa at dalawang anak. Hindi maitago sa mukha ng aking kaibigan ang kasiyahan habang pinagmamasdan nya ang kanyang anak. Pangarap ko rin ang magkaroon ng sariling pamilya. Asawa at anak. Pero ang babaeng makakatuwang ko sana sa aking pangarap ay hindi ko pa nakikita. Halos suyurin ko na ang buong Luzon ay hindi ko pa rin sya nakikita. Pabalik balik na ang mga tauhan ko sa Cagayan kung saan may bahay ang tiyahin nya na isang ofw. Pero wala sya doon. Halos takutin na nga ng mga tauhan ko ang mga kamag anak nya dahil baka tinatago lang sya pero

