Nala POV NAKASIMANGOT ako habang nginunguya ang pagkain. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ng dalawang babaeng guest kanina na nadaanan namin. May pitik sa puso ko ang sinabi nilang hindi nagtatagal sa isang babae si Gordon. May takot at pangambang nanahan sa puso ko. Ngayon pa lang nasasaktan na ako kapag dumating ang araw na ayaw na sa akin ni Gordon. Tila pumait ang panlasa ko sa naisip. Bumagal ang pagnguya ko. Parang bigla akong nawalan ng ganang kumain. Nilapag ko ang kutsara at tinidor sa plato sabay buntong hininga. "Are you ok babe?" Untag sa akin ni Gordon. Walang kabuhay buhay na tumingin ako sa kanya at matamlay na hiniwa hiwa ng kutsara ang tocino. Bumuntong hininga si Gordon at naging matiim ang tingin sa akin. "Iniisip mo pa rin ba ang sinabi ng dalawang gue

