Nala POV "HINDI ko nga alam kung bakit yun nasabi ni Noelle. Hindi pa nga nya nakikita ang ama nya. Possible mo bang mamiss ang taong di mo pa nakikita?" Tanong ko sa kaibigan habang naghihiwa ng rekado sa iluluto kong sinigang na lapu lapu. Simula ng lumayo ako sa Manila at namuhay ng mag isa ay natuto na akong magluto. Marami na akong alam na lutuin. Thanks to Aling Odessa na syang nagtuturo sa akin. "Ganun talaga mars, bata pa si Noelle. Naghahanap din yan ng ama. Lalo pa at nakikita nya sa mga kalaro nya na may mga tatay. Syempre, hindi nya maiiwasang mainggit." Ani Patring. Bumuntong hininga ako. Masakit isipin na naiinggit si Noelle sa ibang bata dahil wala syang nakagisnang ama. "Makakalimutan din nya ang tungkol sa ama nya. Parang ako lang noong bata pa. Hindi ko na nakagisn

