Gordon POV "ARE you sure about this, pare?" Nilingon ko si Lemuel na hawak ang folder na inabot ko sa kanya. Hinithit ko ang sigarilyo at binuga ang usok sa ere. "Yes.. at wala ng makakapigil sa akin." Bumuntong hininga si Lemeul. "Alright, ipapasa ko na ito sa board of directors at ihahayag na ikaw na ang bagong may ari ng DNP Corporation." Tumango ako at muling hinithit ang sigarilyo. Ngumisi si Lemuel. "Siguradong uusok ang ilong at tenga nito ni Diosdado sa galit. Baka nga atakihin pa yun puso." Napangisi din ako at tinaktak sa ashtray ang abo ng sugarilyo. "Talagang aatakihin sya sa puso dahil wala na sa kanya ang kumpanyang pinakamamahal nya na ninakaw nya." "Sigurado ring magagalit sya sayo." "I don't care." "Eh paano si Nala? Siguradong magagalit din sya sayo." B

