5 years later.. Nala POV "CONGRATULATIONS mommy! I'm so proud of you!" Bati sa akin ng aking tabachingching na anak na si Noelle na akala mo ay nanay ko. May malawak na ngiti sa kanyang labi kaya kitang kita ang kanyang maliliit at pantay pantay na ngipin. May dalawang dimple din sya sa magkabilaan nyang matambok na pisngi. "Asus! Maka-'I'm so proud of you akala mo nanay na nagpatapos ng anak sa pag aaral.'" Buyo ni Patring sa anak ko na inaanak nya sa binyag. Tuloy ay inirapan sya ng anak ko. Napasinghap na lang si Patring at umamba ng nanggigil na kurot kay Noelle na ikinatawa ko. Lagi silang nagtatalong mag ninang. Si Patring naman kasi hilig asarin at panggigilan si Noelle kaya hayan natuto ng rumebut. Umiskwat ako at niyakap ang bibang anak sabay halik sa kanyang pisngi. Hind

