Chapter 5

1340 Words
Nala POV MATAMAN kong pinagmamasdan ang mga picture na sinend sa akin ni Cassandra. Mga picture yun ng kaibigan daw ni Mannox. Gordon ang pangalan nya. Pangalan pa lang lalaking lalaki na. At infairness.. totoo nga ang sabi ni Cassandra. Super hot nga ng Gordon na to at ang gwapo pa. Hindi nalalayo kay Mannox ang hulmahan nya. Yun nga lang brusko ang hitsura nya. Ruggedly handsome ika nga. May kahabaan ang alon alon na buhok, may bigote at balbas pero hindi naman ganun kakapal. Tan ang balat at malapad ang balikat na hakab sa suot na long sleeve polo. Halata ding malapad ang kanyang dibdib. Ang braso nyang nakataas at ang kamay na may hawak na baso ng alak ay malaki. Kinagat ko ang loob ng pisngi kasabay ng pagpintig ng aking gitna. Shet! Na-el ako bigla sa kaibigan ni Mannox. Mga kagaya nya kasi ang tipo ko. Matured. Yung mas matanda sa akin. Yung tipong nambabalibag sa kama at lulumpuhin ka sa sarap. "Super hot at gwapo nya no?" Untag sa akin ni Cassandra na may nanunuksong ngiti sa labi. Ngumuso ako at in-scroll pa slide ang screen ng cellphone at tiningnan ang iba pang picture ni Gordon. Wala akong maipintas sa lalaki. Pero hindi ko muna ipapahalata kay Cassandra na type ko na agad si Gordon. "Baka naman sa picture lang sya hot at gwapo tapos sa personal budol pala. Maraming ganyan eh. Expectation vs reality you know.." Sabi ko. Tumawa naman ang kaibigan ko. "Gaga, gwapo talaga yang si Gordon. Mas gwapo pa nga sya sa personal kesa sa pictures." Nagkibit balikat ako. "Well.. let's see kapag nakita ko na sya sa personal. Kelan ko ba kasi sya makikita?" Excited na akong makita ang lalaki. "Hindi ko pa alam kung kelan. Busy kasi si Gordon sa mga negosyo nya kaya hindi nakakapunta sa bahay. Idagdag pa na bumalik na si Tita Veronica galing sa photoshoot nya." Umikot ang mata ko. "Malabo pa palang makita ko sya. Wait, ano ba ang full name nya? Baka may social media account sya para ma-stalk ko sya." Ngumisi sya. "Wala syang social media. Hindi sya mahilig sa ganun. Parehas sila ni Mannox." Maasim akong ngumiti. Kung ganun hanggang imagination ko na lang muna si Gordon. Parang gusto kong sabunutan ang kaibigan. Parang pinatakam lang nya ako sa pagkain na wala pang kasiguraduhan kung kelan ko matitikman. Pumikit ako ng mariin at ipinilig ang ulo. Picture pa lang ng Gordon na yun ang nakikita ko pero nagkakaganito na ako. -- SIMULA ng makita ko ang mga pictures ni Gordon ay hindi na sya maalis sa isip ko. Sinubukan ko na nga syang i-search sa internet pero kaunting impormasyon lang ang nakuha ko. Isa syang mayamang businessman at nasa linya ng hotel, casino at real estate ang mga negosyo nya. Wala akong nakuhang impormasyon tungkol sa personal na buhay nya. Masyado syang misteryoso. Tumunog ang cellphone na nasa tabi ko. Nilingon ko yun at nakita kong tumatawag si Tita Malene na nasa ibang bansa. Dinampot ko ang nag iingay na cellphone at sinagot ang tawag ng tiyahin. Kapatid sya ng mommy ko. "Hello Tita Malene.." "Hello Nala, kamusta ka na iha?" Napangiti ako ng marinig ang malumanay na boses ni Tita Malene. "Ayos lang po, tita. Kamusta na rin po kayo?" Tinanggal ko ang laptop na nakapatong sa mga hita ko at tumayo mula sa kama. "Ayos lang ako, iha. Medyo busy lang sa trabaho. Pasensya na kung ngayon lang kita natawagan. Namiss lang kasi kita bigla." Naglakad ako patungo sa balcony. "It's ok tita. Naiintindihan ko naman po na busy kayo. Miss ko na rin po kayo." Isang ofw si Tita Malene at nagtatrabaho sya sa isang hospital sa Canada. Ilang taon na rin syang nasa ibang bansa. Simula ng kunin ako ni daddy sa pangangalaga nya ay nangibang bansa na sya. These past few years ay bihira na lang syang tumawag sa akin. Minsan sa isang taon ay dalawa o tatlong beses lang syang tumatawag. Tuwing birthday ko at pasko. Sya na ang naging ina ko kaya minsan sobra ko rin syang namimiss. Kung nandito nga lang sya sa Pilipinas ay madalas akong pupunta sa kanya. "Kamusta naman kayo ng daddy mo?" "Ayos naman po kami ni daddy, tita. Yun nga lang, lagi syang busy sa kanyang trabaho." Malungkot na sabi ko. "Ganyan talaga ang daddy mo kahit noon pa. Puro trabaho ang laging nasa isip. Basta ang importante hindi ka nya napapabayaan at binibigay ang mga pangangailagan mo." Doon naman ako walang maipintas kay daddy. Good provider sya bilang ama sa akin. Pero syempre minsan namimiss ko na ring kabonding sya gaya ng dati noong bata pa ako. "Next year second college ka na. Ang bilis nga naman ng panahon. Sa graduation mo uuwi ako." Ngumuso ako. "Matagal pa yun tita. 3 years pa.." "May tatlong taon pa kasi akong kontrata dito. But don't worry mabilis lang naman lumipas ang mga araw." Ilang minuto pa kaming magkausap ni Tita Malene. Nangako sya sa akin na susubukang dalas dalasan ang pagtawag sa akin. Binaba ko na ang cellphone at pinatay na. Gumanda ang araw ko dahil nakausap ko si Tita Malene. Sana nga ay dalasan nya ang pagtawag sa akin. Para naman may mapagsabihan ako ng sama ng loob at hindi na lang puro si Cassandra ang napagsasabihan ko. Baka kasi manawa sya. Akmang babalik na ako sa loob ng kwarto ng marinig ko ang malutong na mura ni daddy. Nakita ko sya na lumabas galing lanai at naglakad sa tabi ng swimming pool. May hawak syang cellphone na nakadikit sa kanyang tenga. Nakalagay ang isa nyang kamay sa bewang. Kahit nakatalikod sya at hindi ko nakikita ang kanyang mukha ay nararamdaman ko ang frustration nya. Napapikit ako ng marinig ang sunod sunod na namang malulutong na mura ni daddy sa kausap. Kasing lutong ng chicharon ang mura nya. Mukhang may problema na naman sya sa negosyo. Hays.. kelan kaya mawawalan ng problema si daddy. Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na sa loob ng kwarto para ituloy ang ginagawang research. Patingin tingin ako kay daddy sa gitna ng pagkain. Kaming dalawa lang ang nasa mahabang mesa at tanging kalansing lang ng mga plato at kutsara ang maririnig. Focus lang si daddy sa pagkain pero nakakunot ang kanyang noo. Nilunok ko ang nginunguyang pagkain at dinampot ang baso na may lamang juice at uminom. Tumikhim ako para kunin ang atensyon ni daddy. Sumulyap naman sya sa akin. "Uhm dad.." Untag ko kay daddy. Tumingin na sya sa akin. Ngumiti ako kay daddy. "Father's day na next week. Let's go out, dad. Sa labas tayo mag-celebrate." Yaya ko sa kanya. "I'm busy next week." "Pero sunday naman po yun." "Still, I'm busy. May lakad ako ng araw na yun." Sumimangot ako. Di ko maiwasang magdamdam. "Ganyan naman kayo eh, lagi kayong busy.." Himutok ko sa mahinang boses. Natigilan si daddy at matiim na tumingin sa akin. "I'm busy because of our business. Wala akong time sa mga leisure. Mas importante ang business." Pasimple kong inikot ang mata. "Yeah right.. mas importante sa lahat ang business. Kahit pa sa akin.." Binaba ni daddy ang kutsara at tinidor sa plato. "That's not true, importante ka sa akin dahil nag iisa kitang anak. Kaya nga busy ako sa mga business natin dahil para sa future mo ang mga yun. Intindihin mo naman sana anak." Bumuntong hininga ako. "I understand naman dad. Ang sa akin lang naman, dadalawa na lang tayo tapos wala pa tayong time sa isa't isa. Hindi na tayo nakakapag bonding. Kelan ba tayo huling nagbonding? Noong high school pa ako." "Don't worry, kapag hindi na ako masyadong busy magbo-bonding din tayo. Mag o-out of town tayo or kahit out of the country. Anything you want anak. Pero sa ngayon hindi pa talaga uubra dahil nagkakaproblema tayo sa mga business." Ngumiti na lang ako sa ama at pilit inaalis ang tampo sa dibdib. Dapat kong intindihan si daddy dahil para sa future ko ang kanyang ginagawa. Hindi dapat ako magtampo. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD