Tatlong araw pagkatapos ni Avria makausap si Kuya Adam niya ay nagpasya siya na umuwi sa kanila kahit alam niya na may posibilidad na galit pa din ang kanyang mga magulang sa kanya. Hindi niya naabutan ang kanyang mga magulang sa bahay dahil may pinuntahan daw ito. "Dito po ba kayo kakain, Señorita?" tanong ng kanilang kasambahay. "Oo, Mabel. Ah si Erlinda, nandito ba siya?" "Nasa Patio po siya, Señorita. Wait lang po, at tawagin ko po." "Pakisabi sa kanya, puntahan niya ako sa kwarto ko." Hindi na hinintay pa ni Avria ang sagot ni Mabel. Agad na nitong tinungo ang kanyang silid. Nang nakapasok na siya ay parang nakaramdam siya nang kapanatagan. Wala pa din pinagbago ang kanyang silid. Mula sa pintuan hanggang sa bawat sulok nito. Napakalinis pa din nito. Maging ang mga gamit

