Alam niyang mabigat ang loob ni Jones na iwanan siya sa apartment ng Kuya Adal niya, ang isa pa niyang kapatid, at kaibigan din ni Jones.
Walang nakakaalam ng apartment na ito maliban sa kanila ni Jones. Nais ng kapatid na mayroon siyang masisilungan kapag mag-away sila ni Creedo.
Hindi naman lingid sa mga kapatid niya ang estado nila ni Creedo. Hindi man sang-ayon ang mga ito ngunit walang isa sa mga kapatid niya ang tumutol. Lalo na't suportado siya ng kanyang ina.
Her mom understands her situation, and though she was rooting for her and Jones.
"Are you sure, you're going to be alright?" Jones asked her as he opened the curtain. Nilingon pa siya nito.
"I'm okey," she assured him.
"Parang hindi ka okay. Nais mo bang pag-usapan natin? Pwede naman ako dumito muna kung nais mo."
"Hindi na kailangan," sabi ni Avria. Tumayo ito, at agad na pumasok sa kusina. "Magkape ka muna bago ka umalis." Kumuha siya ng dalawang tasa at nagtimpla ng kape.
Napailing na lang si Jones na sinundan siya sa kusina. "Bakit ba ang hilig mo akong ipagtabuyan ha? Iniisip mo pa din ba ang sasabihin ng isang iyon? Eh wala nga siyang pakialam sa 'yo."
Inabot niya kay Jones ang kape nito, na tinanggap naman ng binata bago umupo sa silya.
"Hindi sa pinagtatabuyan kita. Ayaw ko lang na istorbohin ka. You're a busy man."
Jones sips his coffee with gusto. His eyes were looking at her intently.
“Yes, I am a very busy man, but you also know I will always make time for you.”
"I'm alright. Huwag ka ngang praning! I'm going to be just fine," she told her reassuringly, and smiled at him sweetly.
Avria didn't know that with that smile Jones was falling for her even more. If only she knew how beautiful she was in his eyes. And how fast his heart was beating. But he couldn't tell her, can he?
"Don't lied to me, Habibi. Alam kong hindi ka, okay!" puno ng dismaya ang boses ni Jones. Hinawi nito ang buhok gamit ang kanyang mga daliri, at nagpakawala ng isang malalim na bigong buntong-hininga.
"Sinabi ngang ayos lang ako. Bakit ba ang kulit mo," giit na sabi ni Avria, at hinawakan ang kamay ng binata. "I'm fine. Believe me. Huwag ka ngang OA!"
"You dam well know, I care for you!" he told her, and glanced at her intently. "Hindi mo talaga sasabihin sa akin ang problema mo?"
"Wala nga. Saka alam ko naman na special ako sa 'yo. And I am not happy about it. Stop caring for me, Finn. I am not good for your heart and health."
His eyes light up with happiness. And who wouldn't be, when she calls him by his given name!
"If only I can teach my heart... " he said sadly.
"Hey, that's my line," nakangusong sabi ni Avria, at napatingin sa kay Jones. "Wala kang originality."
"Bakit hindi ba pwedeng hiramin? Ikaw lang ba ang may karapatang mangatwiran?"
Nanatiling hindi apektado ang mukha ni Avria. Matagal niya ng alam na nagmamalasakit ito sa kanya. Baka nga mahal pa siya nito. Pero gaya ng sinasabi nito, hindi niya kayang turuan ang kanyang puso kung sino ang mamahalin.
Umiling si Jones, at saglit na tumingin sa kanya. "Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Pero kung kailangan mo ng tulong ko alam mo kung saan ako hahanapin." Inubos nito ang kanyang kape ng wala sa oras, at inilagay ang walang laman na tasa sa mesa. "Kailangan ko ng umalis." Tumayo ito at hinalikan si Avria sa pisngi. "Take care, Habibi."
Tumango-tango lang si Avria, at hindi na nag-abala na tumayo. "Pakisara ng pintuan pagkalabas mo!" pahabol nitong sigaw.
"Fine!" sabi ni Jones, at mabilis na lumabas.
Nang marinig niya ang pagsara ng pinto, at pag-andar ng sasakyan ay saka siya tumayo, at sumilip sa bintana.
Nakita niya ang gwapong mukha ni Jones na nakatingin sa pintuan ng bahay nila. At hindi din nakaligtas sa kanya ang lungkot sa mga mata ng binata.
Gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil sa pagdurog sa puso ng isang mabuting tao. Nahahabag man siya ngunit kahit anong pilit niya, laging pinipigilan ng kanyang puso ang ideya na mahalin si Jones nang higit pa sa mga kaibigan.
Jones deserves better. She will only hurt him, and that's the last thing she wants to happen.
NASA bahay siya ni Francis dahil ayaw niyang may nakakaalam ng kanyang kalagayan.
Nanginginig ang kanyang kamay habang hawak-hawak ang resulta ng pregnancy test na ginawa ng kanyang kaibigan na si Doctor Francis Almero.
Nais niyang maiyak sa inis nang makita ang resulta ng lab test at maging ng limang pregnancy kit na ibinigay ni Francis sa kanya.
"How sure are you? Ulitin mo pa! baka nagkamali ka lang. Imposibleng mangyari ito. I'm on pill, remember?"
Hindi siya talaga halos makapaniwala na mabubuntis siya. Regular na umiinom siya ng pill, at maliban doon, gumagamit din ng condom si Creedo kapag alam nito na fertile siya kapag nagniniig sila.
"Kahit ilang uri pa ng lab test ang gawin sa 'yo, at isang daan pregnancy kit ang bilhin natin, lalabas pa din na positibo ang resulta. You're pregnant. Your blood and urine has a high levels of hCG, a sign of pregnancy. And Yes, although birth control pills have a high success rate, you can get pregnant while on the pill, because it's only 91% effective. Hindi one hundred percent. Kaya hindi impossible that you will get pregnant," paliwanagan pa ni Doctor Almero sa kanya.
"No! This can't be!" naluluha niyang sabi, at hinarap ang kaibigan. "Francis naman! Paki-explain. Hindi ko kasi maunawaan kung bakit ako nabuntis. I've been on pills ever since na magkaroon kami ng relasyon ni Creedo. He made sure of that. Hindi lang naman siya gumagamit ng condom kapag alam niyang hindi ako fertile. Ganoon siya kasiguradista! Kasi nga, ayaw niya pang maging ama at mapikot," malungkot nitong sabi, at muling tinignan ang resulta ng laboratory test.
"Granting he didn't want to be a father, still, you need to tell him. Malay mo, he will be elated," saad pa ni Francis sa kanya. "Gusto mo ako ang nagsabi sa kanya?"
"No! Ako na," sabi ni Avria, at gustong maiyak. Tiyak niya kasing hindi magugustuhan ni Creedo ang resulta.
Baka nga ito pa ang maging lamat ng kanilang paghihiwalay. At hindi niya matatanggap kung dahil lamang sa pagbubuntis niya ay iwan siya ni Creedo.
Hindi maari! Pagkatapos ng lahat ng pagsasakripisyo niya. Kaya nga pumayag siyang maging f**k buddy sila because Vince doesn't really want a serious relationship, and he doesn't want to be a father even more. He make it clear to her from the start.
Ngunit kaya niya ba talagang talikuran ang buhay na nasa sinapupunan niya?
"Huwag mo siyang pangunahan," sabi ni Francis, at hinawakan ang kanyang kamay.
Marahas na napailing si Avria. "Please nakikiusap ako. Don't tell him yet. Ako na bahala magsabi sa kanya. Huwag mo din sabihin ito sa ating mga kaibigan, lalong-lalo na kay Jones. This might break his heart," naiiyak na pakiusap niya sa kaibigan.
"I promise but I can't promise not to tell Lilly. She might not like the idea of me keeping a secret from her."
Walang lakas na sabihin ni Avria ang kanyang sitwasyon sa kanyang pamilya, maliban sa kanyang kakambal.
Avery needs to know her current situation, and she trusts him with all her heart.
Kung mayroon man nakakaalam ng kanyang pinagdaanan ay si Avery iyon.
Napasabunot na lang siya sa kanyang buhok habang naghihinagpis ang kanyang kalooban. At nang dumating siya sa apartment ng Kuya Adal niya ay nagpamura siya nang mag-video call ang kanyang kakambal na si Avery.
“What have you doing to yourself, Avria Claudette?” bungad na tanong ng kanyang kakambal. "Hadn't I told you if he doesn't love you, leave him. You deserve better."
"Easy for you to say," banas na sagot niya sa kakambal habang nakatingin sa camera. "Saka ano ang alam mo pagmamahal ha? You never even had a relationship." She rolled her eyes.
"Oh, is that your standard para makinig ka sa akin? You know why I don't do relationship, Dette! Kaya 'wag mo akong umpisahan. Simula pa lang ng relasyon mo sa lalaking iyan, you know I don't approved it. Hindi ba't sinabihan ko pa nga ikaw na layuan siya? But you didn't listen! Lagi mong hinahabol ang tarantadong iyan! At iyon ang hindi ko maintindihan kung bakit? You're head over heels sa kanya pero hindi niya naman masuklian ang damdamin mo."
"Wala ka dapat isumbat sa kanya kasi right from the start, he already clarified it for me that he don't want to commit himself to a relationship!"
"And you blindly accepted because of your desired to be with him," he said accusingly.
"Are we going to talk about this? Come on, Dien, give me a break. Spare me!"
Avery glared at her. "Don't you dare use that name on me, Lady, kung ayaw mong makarating ito kay Kuya Adam," banta ni Avery sa kakambal, at umiling-iling. "Hindi kita talaga maintindihan. Kung bakit labis mong minahal ang bastos at walang modong lalaki na iyon. Bakit nga ba hindi mo siya hindi maiwan-iwan ha? Hindi ka naman pangit o' hindi habulin ng lalaki. Ang dami nagpapakita namang nagpapakita ng motibo sa 'yo. But you always chose him. You make yourself so low just to be with him."
Inilagay niya sa holder ang kanyang phone. Inayos niya ang camera at sinigurado na makikita siya ng kakambal nang maayos saka pasalampak na umupo sa kanyang kama.
Huminga siya ng malalim at tinakpan ang mukha niya. Gusto niyang umiyak at hayaang tumulo ang mga luha niya pero pinigilan niya ang sarili. Ito ang gusto niya. Mas pinili niyang makasama si Creedo kaysa makasama ang kanyang pamilya.
Naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang galit ni Avery. Naiinis ang kakambal dahil hindi niya ito pinakikinggan. Mahal na mahal lang siya talaga nito kaya lagi siya nitong sinasalba sa kanyang pamilya.
"What am I going to do with you?" naiinis na sabi ni Avery, at buong pagmamahal siyang tinitignan ng kakambal. "Makinig ka naman kasi minsan sa akin, Avria Claudette. Pasalamat ka't mahal na mahal kita kaya hindi kita kayang pabayaan. Kapag hindi ka pananagutan ng lalaking iyon o' hindi niya kilala iyang pamangkin ko. Leave him! Do you heard me? Dahil sa oras na hindi mo siya iiwan at nagpatuloy kang magpakatanga sa kanya, kalimutan mo na lang na may kakambal. Dahil ako na mismo ang tatalikod sa 'yo!"
Napanganga siya nang makita ang matinding galit sa mukha ng kakambal habang nagsasalita ito.
Magsasalita pa sana siya ngunit bigla na lang pinatay ni Avery ang audio call.
Napayuko siya at napatingin sa malaking picture frame na nakasabit sa dingding ng kanyang silid.
Family picture nila ito. Larawan ng isang masayang pamilya.
They are all smiling. Nakaupo ang kanyang mga magulang sa pangdalawahang sofa habang sina Kuya Adam at Kuya Adal niya ay nakatayo sa likuran ng kanyang magulang. Sila naman ni Avery ay nakatayo sa gilid nina Don Fernand at Doña Aurora, ama at ina nila.
Kung titignan ang larawan ay walang makakasabing magkakambal sila ni Avery.
They were fraternal twins and their eyes are not the same. Avery eyes were deep set and dark hazel whereas hers are hooded and light hazel.
Mas matangkad si Avery sa kanya, 6'2" ang height nito at siya ay 5'9".
Kaya nga madalas mas napagkakamalan na boyfriend niya si Avery kapag nagsama sila.
Subalit walang nakakaalam na may kakambal siya maliban sa pamilya niya at mga closed friends niya.
Kahit nga si Creedo ay walang kaalam-alam na may kakambal siya. Sabagay pareho lang naman sila. Iilan lang din ang alam niya sa binata. Maliban sa mayaman ito, at isang piloto ay wala na siyang nalalaman pa.
"Will you be happy when you know you're going to be a father?" sabi niya, at biglang naramdaman ang kahungkagan sa kanyang puso.
Napayakap siya sa kanyang saliri, at biglang nahabag sa buhay na uusbong sa kanyang sinapupunan.
Hindi niya din napigilan ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi.
At sa unang pagkakataon, bigla siyang napaiyak nang tahimik.
Di bali na masaktan siya. Di bale na baliwalain siya ni Creedo. Dahil tanggap at sanay na siya. Huwag lang ang baby niya!
Dahil baka hindi niya kakayanin na baliwalain at tatalikuran ni Creedo ang sanggol sa kanyang sinapupunan.