HARIS' POV Hinawakan ko ang batok ni Larisa. Mas naging mapusok ang klase ng paghalik ko sa kaniya, saka naman tumigil ang labi niya sa paggalaw at mabilis na nagmulat. Naramdaman ko pa ang kamay nitong tumutulak sa dibdib ko. "Haris..." pigil niya, kasabay nang malakas niyang pagtulak sa akin. Tuluyan ko siyang pinakawalan. Bumitaw siya sa akin at kaagad na umayos ng kaniyang upo mula sa passenger's seat ng kotse ko. Maang ko siyang dinungaw, pinagmamasdan ang paulit-ulit na pagpasada ng kamay niya sa buhok nito, maiging inaayos, pati na rin ang kaniyang uniporme. Mabigat ang paghinga niya, kitang-kita ko ang pagtataas-baba ng kaniyang dibdib. Mayamaya lang nang tingin niya'y okay na siya ay nilingon niya ako. Napansin ko ang paglikot ng mga mata ni Larisa at hindi siya makatingin nan

