Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Inikot ko ang paningin ko at nakita kong nandito na ako sa kwarto ko. Rumehistro sa utak ko kung ano ang nangyari. I passed out in Klyde’s unit. Bago pa man ako makakilos ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan ko kaya awtomatiko akong napatingin doon. I saw my mom holding a tray. “Mabuti naman at gising ka na.” nag-aalala niyang sabi at kaagad akong nilapitan. Ipinatong niya yung tray sa ibabaw ng drawer ko. “May masakit pa ba sa’yo?” tanong nito. Bakit ba umaarte siya na para bang may pake siya? Umiling na lamang ako. Umupo siya sa gilid ng kama ko. “I called your dad, pauwi na daw siya. He’s worried about you.” aniya. “Paano ako napunta dito?” I asked. “May naghatid sa’yo. Lalaki siya na kasing edad mo. Ang sabi niya ay nahimatay ka raw.” I

