3rd Person “Pinapatawag niyo raw po ako?” tanong nito sa lalaking naka-upo sa isang swivel chair. Medyo may edad na ito at lalo siyang nagmukhang kagalang-galang dahil sakanyang suit. “Ano na ang balita?” may pagka awtoridad ang boses nito. Dahil na rin siguro sakanyang posisyon. “W-wala pa rin po.” medyo kinakabahan nitong paliwang at napayuko. “Ilang taon na ang nakakaraan ngunit hindi niyo pa rin siya nahahanap!” tumaas ang boses nito na lalong nagpakaba sakanyang tauhan. “Sir, ginagawa na po ang aming makakaya. Pero hindi pa rin po talaga namin siya mahanap.” paliwanag nito. “Kung kinakailangan niyong libutin ang buong mundo gawin ninyo! Huwag kayong titigil hangga’t hindi ninyo siya nahahanap!” maawtoridad nitong sabi. “Ilang bansa na po ang pinaghanapan namin pero wala pa

