CHAPTER 4: A GHOST'S VISIT

2451 Words
CHAPTER 4: A GHOST'S VISIT Ang kwentong ito ay RATED SPG It contains words and actions not suited for very young readers. Babala: Mainit! Nakakapaso! LYNDEL (POV) "We'll have a dinner later", muli na naman akong ginulat ng amo sa pagpasok niya sa opisina. "Bakit po Sir?", ang tanong ko naman sa kanya. "Dahil successful ang proposal kay Sam. She signed the contract and the expansion of the suite will be soon as possible", nakita ko na naman ang matitipid niyang ngiti. "Congratulations Sir but I can't make it", syempre pa ay hindi ako pumayag sa imbitasyon niya dahil baka mapahamak pa ako sa kanya. "I insist and don't worry kasama naman si Nanay Esme eh", pamimilit ng amo ko. "Who is Nanay Esme?", ang tanong ko sa kanya. "Esmeralda, I use to call her Nanay Esme", ang paliwanag naman niya. "Kahit na Sir ayoko pa rin po", kahit na alam kong kasama pala si Miss Esmeralda ay tumanggi pa rin ako dahil bago pa lang ako at nakakahiya. "Sir a representative from SB Malls wants to discuss something to you and he's on the lobby. Will I send him in?", hindi na nakapamilit pa si Sir ng biglang pumasok si Ms. Esmeralda. "I'll be the one to go there. I want you to convince Lyndel to go for a dinner with us" lumabas na si Arwynn matapos sabihin iyon kay Ms. Esmeralda. "Narinig mo naman siguro ang amo natin. Sumama ka na kasi Lyndel. Kayong dalawa na lang ha", kumusta naman siya pipilitin na lang din naman niya ako hindi pa raw siya sasama. Syempre mas lalong hindi na ako sasama. "Hindi ho talaga, lalo pang kaming dalawa lang", ang mariin kong pagtanggi. "Wala siyang gagawing masama sa iyo. Ako ang mananagot sa oras na merong mangyaring masama sa iyo", tiningnan ako ng diretso sa mata ni Ms. Esmeralda. "Paano naman po kayo nakakasigurado dyan?", mas naging mausisa ako sa sinabi niya. "Kaninang umaga masaya si Arwynn ng ihatid ko sa kanya ang salad niya. I use to do that actually, pangalawang ina na ang turing sa akin Arwynn. Masaya siya dahil syempre na-approve ang proposal at sinabi niya mismo sa akin na gusto niya tayong i-treat for dinner", ang paliwanag ni Ms. Esmeralda. "Mabait po siguro siya sa inyo eh sa ibang tao lalo na sa babae hindi niyo na po siya kilala?", mabilis ko namang sinagot ang mga sinabi ni Ms. Esmeralda. "Alam ko ang mga ginawa sa iyo ni Arwynn, yung mga pagtatangka niya na akitin ka sinabi niya lahat yun. Pero alam mo espesyal ka Lyndel dahil hindi ka bumigay. That makes you very much interesting. Napukaw mo ang atensyon ng alaga ko lahat kasi ng babae na nakilala niya ay sila mismo ang lumalapit kay Arwynn. Iba ka, iba ka Lyndel", mahinahong sumagot si Ms. Esmeralda at mula sa mga sinabi niya ay maraming tanong ang nabuo sa aking isipan. "Bakit po ba siya ganoon? Alam niyo naman po siguro kung bakit naging matagumpay ang transaction kay Ms. Briones no?", nagsimula na akong magtanong uli. "Ofcourse I know. We already went to a doctor before and they said that Arwynn is a nymphomaniac. Mula noong maghiwalay sila ng babaeng pinakamamahal niya three years ago nagsimula na siyang maging ganyan. Kung sinu-sinong babae at kahit saan na lang siguro ay nakikipagtalik siya", sinagot naman ni Ms. Esmeralda ang huli kong mga tanong. "Nakakatakot po siya", napahamak ako sa aking mga kamay. "Don't be Lyndel. Alam mo bang kung sino ang babaeng magustuhan niya ay nakikipagtalik siya. Hindi naman nga siya nahihirapang kumbinsihin ang mga ito dahil sa likas ang pagiging magandang lalaki niya. Lyndel gusto ka niya pero tingnan mo na-control niya ang sarili niya. The doctor said before that self control is the key for his cure and he did it to you", hinawakan ni Ms. Esmeralda ang mga kamay ko. "Hindi ko po yata kaya", tinanggal ko ang kamay niya sa mga kamay ko. "Give him a chance please. I want the old Arwynn to come back", nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Ms. Esmeralda. Ramdam ko ang magiging pangalawang ina sa kanya. Mabilis ding pumatak ang aking mga luha dahil ko kinakaya kapag may babaeng umiiyak sa harapan ko. "Tama na po, huwag na po kayong umiyak payag na po ako", pumayag na tuloy sa gustong mangyari ni Ms. Esmeralda. Sa loob ko ay may pag-aalinlangan pa rin pero parang may nagtutulak sa akin na gawin ito. "Maraming maraming salamat Lyndel. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob", pinunasan na ni Ms.Esmeralda ang kanyang luha at saka ako niyakap. Pagsapit ng hapon ay around 5 o'clock na siguro noon ay inaya na ako ni Sir Arwynn. Sabay kaming lumakad papuntang parking lot. Nagulat ako dahil isang mamahaling sports car pala ang kotse niya. Lalo tuloy akong nahiya at napaisip kung bakit ako napapayag dito. Binuksan niya ang pinto sa tabi kabila ng driver's seat. "Hop in Lyndel", ang aya niya sa akin na may kasama pang matipid na ngiti. ..... ..... ..... Matagal akong hindi gumalaw sa kinatatayuan ko. "Lyndel are you alright?", narinig kong tanong ni Sir Arwynn na nagpabalik sa sarili ko. "Ah yes Sir", ang mabilis ko namang naitugon. "Sakay na", ang muling mag-aya niya. Sa pagkakataong ito ay sumakay na ako. Bukas ang bubungan ng car pero pagpasok ni Sir Arwynn ay may pinindot lamang siya at saka kusang nagsara ang upper part ng kotse. "Thank you Lyndel ha", bago pa niya tuluyang paandarin ang kotse ay nagulat ako sa pagpapasalamat niya. Hindi naman ako palainom ng kape pero lahat yata ng gagawin ng amo ko ay ikinagugulat ko. "Wala po iyon Sir, sana lang po ay wala kayong gawing hindi maganda", sinagot ko naman siya agad at sinabi ko na agad ang nasa loob ko. "Thank you also for the trust. Don't worry I will not cause any harm to you", mula sa mga pinag-usapan namin kanina ni Ms. Esmeralda at sa narinig ko ngayon mula kay Sir Arwynn ay nakahinga na ako ng maluwag. Habang nasa biyahe na ay isinaksak niya ang kanyang ipod sa sasakyan at nagsimulang magpatugtog. SHE WILL BE LOVED Beauty queen of only eighteen She had some trouble with herself He was always there to help her She always belonged to someone else I drove for miles and miles And wound up at your door I've had you so many times But somehow I want more I don't mind spending everyday Out on your corner in the pourin' rain Look for the girl with the broken smile Ask her if she wants to stay a while And she will be loved, and she will be loved Tap on my window, knock on my door I want to make you feel beautiful I know, I tend to get so insecure It doesn't matter anymore It's not always rainbows and butterflies It's compromise that moves us along, yeah My heart is full and my door's always open You come anytime you want I don't mind spending everyday Out on your corner in the pourin' rain Look for the girl with the broken smile Ask her if she wants to stay awhile And she will be loved, and she will be loved And she will be loved, and she will be loved .......... Magandang idea ang music dahil wala naman kaming mapag-usapang dalawa at tarffic pa dahil rush hour kaya ang bagal ng biyahe. "Bakit po ang kantang yan Sir? Sorry for the question alam ko naman pong magaling ang Maroon 5 eh", binasag ko na ang katahimikan. Kung ang gusto ni Ms. Esmeralda ay makilala ko pa ng mabuti si Sir Arwynn ay hindi kami dapat manahimik dito. Nakakainip na rin kasi may part nga ng kanta na sumasabay na si Sir sa linya. "The song reminds me of the girl that I really love", sinagot naman niya ang tanong ko habang patuloy sa pag-drive ng kotse. "Can I ask kung nasaan na po siya ngayon?", iniwan na niya ako. "Oops, sorry Sir", humingi naman ako agad ng paumanhin. Sa dami naman ng topic na mapupuntahan sa pagtatanong ko sa kanta sa mapaiit na part pa talaga ang tungo. Naalala kong binanggit iyon ni Ms. Esmeralda kanina. Ang babaeng iyon..... "No, okay lang. Umaasa pa rin ako na babalik siya", nakita ko ang biglang paglungkot ng mukha niya kahit na side view lang nito ang nakikita ko. "Sana nga po ay bumalik na siya", bigla ko namang nasabi yan. "What?", nagtaka tuloy siya. "Ahm, para po maging masaya na kayo. Mukhang nananabik na po talaga kayo sa kanya eh", mabilis ko tuloy siyang sinagot. "Ah ganon ba?", sumang-ayon naman siya. "Wala po ba kayong Taylor Swift song dyan Sir?", iniba ko na tuloy ang usapan pero sa kanta pa rin ako nauwi. "Updated ang ipod ko, alam ko meron pero hindi ko pinapatugtog", talagang maiba lang ang usapan. Sa loob ko tuloy ay nagulat ako dahil akalain mo yun may Taylor Swift song ang macho na ito ako nga ay sa radyo lang nakakapakinig ng mga kanta ni Taylor. "Pili po ako Sir?", nagpaalam naman ako sa kanya para makapili ng kanta. Naku wala naman talaga kong alam na Taylor song maliban dun sa I Knew You Were Trouble na napakinggan ko noong minsan. Hanap..... Hanap..... Hanap..... Pampalipas din ng oras ang paghahanap. Hanggang sa may nakita akong Taylor Swift song na hindi ko naman alam. "Heto po Sir", nagpaalam na ako sa kanya para mapatugtog ko na ang kanta. "Sige", sumagot naman siya. EVERYTHING HAS CHANGED BY TAYLOR SWIFT (Taylor Swift) All I knew this morning when I woke Is I know something now, know something now I didn't before And all I've seen since 18 hours ago is green eyes and freckles and your smile in the back of my mind making me feel right I just want to know you better know you better know you better now I just want to know you better know you better know you better now (Both) I just want to know you better know you better know you better now I just want to know you know you know you Cause all I know is we said hello And your eyes look like coming home All I know is a simple name, everything has changed All I know is you held the door You'll be mine and I'll be yours All I know since yesterday is everything has changed .......... Dahil hindi ko alam ang kanta ay pinatugtog ko na lang. Nang marinig ko ito..... Awkward..... Awkward..... Awkward..... Tungkol pala ang kanta sa bagong pag-ibig. Medyo na-gets ko na dapat iyon sa title palang. "Ganda ah", nagulat naman ako sa respond niya sa kanta. Nagustuhan talaga niya? Nakita ko na naman ang matipid niyang ngiti. "Haha", pilit na tawa naman ang naganti ko. "Sa tingin mo may chance na makahanap pa ako ng bagong pag-ibig? Makakapag-move on pa kaya ako?", mula sa kawalan ay tumingin siya sa akin at tinanong iyan. Napatingin din tuloy ako sa kanya. Iba ang nakita ko sa kanya ngayon. Kahit na seryoso ang mukha niya ay maamo naman. "Malay niyo po basta bigyan niyo lang din po ng chance ang sarili ninyo", sa tingin ko ay sinagot ko naman ng tapat ang tanong niya. "I missed her so much. I missed a woman like her", hindi na lang ang mukha niya ngayon ang seryoso dahil pati na rin ang boses niya. "Naalala ko pa sabi sa akin ng ate ko noon Sir na ang isang lalaki ang ideal woman niyan ay yung babaeng parang mother niya. Para patuloy niyang madama ang pagmamahal ng mother niya sa katauhan ng kasintahan niya. Kaya huwag na po kayong malungkot Sir nandyan naman po ang Mother niyo eh", syempre pa pinairal ko na lang ang comforting power ko. "Tama ka naman doon, kaso matagal ng pumanaw si Mommy", malungkot pa rin ang tono ng boses niya. Nagulat na naman ako dahil strike two na ito. Pinaalala ko na naman pala sa kanya ang isa na namang babae sa buhay niya. Kasalanan talaga ito ng mga kanta. "Sorry again Sir", humingi na naman tuloy ako ng pasensya. "Okay lang", at okay na naman sa kanya. Kaya siguro parang si Ms. Esmeralda na ang nanay niya. Kaya pala. Nagulat ako sa buong biyahe namin dahil ibang Arwynn Raymond Pineda ang nakasama ko. Napakaamo, sana nga ito ang tuny na Arwynn. "We're here", hindi ko namalayang narito na pala kami. Huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Bumaba siya at saka ako pinagbuksan. Pagbaba ko naman ay saka niya iniabot ang kanyang braso. Sosyal ang lugar kaya naman hindi na ako tumanggi at humawak ako sa braso niya na para bang escort ko siya. Gentleman din pala siya. Dahil sa magkalapit na magkalapit kami ay naaamoy ko siya. Napakabango niya at palihim ko rin siyang tinitingnan. Gwapo pala talaga siya. Hindi na ako magtataka na pagpasok namin dito sa mamahaling restaurant ay pinagtinginan kami ng ilang taong kumakain na mukhang mayayaman din. Pagdating sa table namin ay iniurong niya ang upuan ko para makaupo ako. "Thank you", ang sabi ko sa kanya. Pagkaupo naman niya ay tinawag na niya ang waiter. ARWYNN (POV) Hindi ako makapaniwala sa mga ikinikilos ko ngayon. Bakit ba ganito ang trato ko sa babaeng ito. I want her. I want to have s*x with her pero sinasabi ng katawan ko na hindi ko siya dapat pilitin na dapat kusa mangyari ang lahat. Habang naghihintay sa order namin ay napansin kong may papasok sa loob ng restaurant. Pamilyar na katawan ng isang babae. Nakasuot siya ng itim na damit. Bagay sa kanya, she looks hot sayang lang at hindi ko makita ang mukha niya dahil nakabelo ito. Simbahan? Nagulat ako ng habang palapit ang babae ay tinanggal niya ang kanyang belo. "Ara?", oo si Araceli nga ang babaeng ito. "Ate?", lumingon si Lyndel sa kanyang direksyon at tinawag niyang Ate si Ara. Umalis ang masamang pagtitig sa akin ni Ara at napunta kay Lyndel. "What are you doing here?", narinig kong tanong ni Ara kay Lyndel. Mabilis itong tumakbo palabas ng restaurant at napansin kong may dala pala siyang baril. "Ate!", mabilis na sumunod si Lyndel. Tumakbo rin ako palabas. Nakasakay na si Ara sa taxi ng makalabas ako. HIndi pa rin ako makapaniwala na nakita ko siyang muli. Wala pa rin siyang pinagbago maganda pa rin siya pero magkapatid sila ni Lyndel? Please follow me on my social media accounts! Thank you! Facebook: Neri Joy Jayson / https://web.facebook.com/jayson.aldama.5 Twitter: @lady_25me I'm super active below *you can really interact with me* Instagram: @neri_joy_jayson Youtube: Neri Joy Jayson / https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD