NAGULAT pa ang dalawang guards na nakaduty sa b****a ng hacienda nila Maxine nang makita siya sa pagsilip niya sa car window. Nagmamadali ang mga itong binuksan ang mataas at malawak na gate dahil hindi naman automatic iyon. Hacienda Cuenco. Iyon ang nakasulat sa arko ng gate. Ipinagpatuloy ni Naylor ang pagmamaneho papasok habang palinga-linga, namamangha ito sa mga nakikita roon pa lamang sa bungad. Paano pa kaya kapag nakita pa nito ang malalawak na plantation at animal farm o ang rancho sa kaloob-looban noon. "Alamo, sa totoo lang hindi ko akalain na ganito pala ang buhay na meron ka," seryosong sabi ng binata sa kanya. Bahagya lang siyang ngumiti rito. Siyam na daang metro pa ang tinakbo nila bago narating ang kinatatayuan ng kanilang malaki at modernong mansiyon. Agad s

