YUMI: PARANG lumukso maski kaluluwa ko na mabungaran si Delta sa likuran kong. . . nakamata kay Dawson! Natutulala ito at halos mawalan ng kulay ang gwapong mukha sa pagkakaputla! Walang kakurap-kurap itong nakamata sa anak ko na nakatitig din sa ama niya. Tila nararamdaman kaagad nila ang connection nila sa isa't-isa. "W-what is the meaning of this?" nanginginig ang boses nitong tanong pagkatapat sa tabi ko. "D-Delta, l-let me explain," utal kong sagot na nanginginig na rin ang katawan. "Explain what?" anito na nakatulalang nilingon ako. "Kinunan mo ba ako. . . ng sperm kong ipinunla mo sa sarili mo noon?" "Huh?" natameme ako na paulit-ulit nire-replay ang sinaad nito sa isipan ko. Napahagikhik naman si Noah sa gilid namin na nagagawa pang kiligin sa mga nagaganap sa amin ng Kuya n

