DELTA: MATAPOS naming maayos ni Yumi ang sarili ay magkayakap kaming lumabas ng silid. Iniwanan na lamang namin ang nagkalat na katawan ng mga lalakeng pumasok sa silid kanina. Kinakailangan pa naming tumawid sa railings ng balcony palipat sa kabilang silid para makasigurado kaming ligtas kaming makakalabas. Hindi nga ako nagkamali na may mga kalalakihan ang nakaabang sa amin ni Yumi sa tapat ng pinto kung saan kami pumasok ni Yumi. Pero dahil marami-rami na rin ang mga taong dumaraan ng hallway ay hindi nila kami napansing lumabas sa kabilang silid na ikinangisi at iling ko na lamang. Hawak ang kamay nito na inakay kong pumasok ng event kung saan kasalukuyan ng nag-uusap ang magkabilaang panig. Pasimple kong hinila si Yumi sa may gitna ng dance floor na isinayaw ito ng sweet dance.

