YUMI: NAPUNO ng tawanan ng tatlong bulog ang buong sala sa pagdating ni Noah at Rohan. Naiiling na lamang akong iniwanan ang mga ito kasama si baby Dawson na naglakad-lakad dito sa labas ng mansion. Malawak ang lugar at may mini garden pa sa likuran kung saan naroon ang malawak na pool. May mga tila cottage din dito na maids quarter kung saan nananatili ang mga katulong. Akala ko ay wala kaming ibang kasama dito. Nandidito pala sila sa likod na naghihintay lamang na tawagin ng amo. May mga guard din ditong nakatutok sa guardhouse at nagbabantay sa monitor ng mga CCTV camera para ma-secured pa rin ang kaligtasan ng lugar na hindi sila pakalat-kalat. "Anak, gusto mo ba dito? Dito ang kaharian ng Daddy Delta mo. Gusto mo bang manirahan dito, hmm?" baling ko sa anak kong karga ko habang na

