SA isang lumang gusali na matatagpuan sa Quezon City sila dinala ng van na sinakyan nila. Tanghali ng araw na iyon at pagkababa nila ng sasakyan ay nakita nila si Miss Black na nakatayo sa harapan nila. Malapad ang ngiti nito. Napatiim ng bagang si Alona. Kung pwede nga lang niyang patayin ang naturang babae ay ginawa na niya. Pero nag-aalala siya para sa mga mahal niya sa buhay, baka idamay nito ang mga iyon. Marami pa naman itong tauhan na parang loyal na loyal dito. “Kumusta na kayong tatlo? Ngayon na magaganap ang huling parte ng larong ito. Nagpapasalamat ako sa inyo dahil sobra akong na-entertain sa mga pinaggagawa niyo. Lalo ka na, Alona… Isa kang revelation. Kahit ako ay hindi ko naisip na magagawa mong pumatay!” Humalakhak pa ito pagkatapos. Naningkit ang mga mata ni Alona. “Pwe

