"I'm looking for a patient named Chelsea Penson.."
Kaagad na sabi ni Joseph sa nurse na nasa information desk pagka- pasok na pagka- pasok palang namin sa hospital. Naka-sunod at tinitingnan ko lang siya. Ilang dipa ang layo ko habang minamasdan ang bawat kilos niya.
Kinastigo ko ang aking sarili sapagkat mas nananaig ang panibugho na nara-ramdaman ko kaysa sa katotohanan na nasa ospital ang kaibigan ko. Nag-aalala ako sa kanya, pero kahit na anong gawin ko naroon at naroon pa rin ang buma-balong na selos ko sa kanya.
Sandaling hinanap nang nurse ang information paper ni Chelsea. Matapos sabihin kung saang room siya naka-confine ay mabibilis ang mga hakbang na tinahak ni Joseph ang hanay ng mga private rooms sa hospital. Lakad takbo na halos ang ginagawa ko dahil sa bilis niya huwag lamang akong maiwan ng tuluyan.
Nang makarating kami kung saan naroroon si Chelsea ay tila nagdalawang-isip pa si Joseph na buksan ang nakapinid na pintuan. Bahagya siyang lumingon sa akin subalit nanatiling tikom ang labi niya. Kumatok siya ng dalawang beses bago pinihit ang seradura. Sumalubong sa akin ang amoy ng antiseptic.
"Gibson?"
Nagtatakang pansin ni Joseph. Gulat akong gumilid pakanan upang masilip ang lalaking iyon dahil natatabunan ng bulto ni Joseph ang pintuan. Halos mapa-nganga ako sa hindi pagkapaniwala ng makita ko nga roon si Gibson na nakaupo sa isang visitors chair sa gawing paanan ng bed. Tumayo siya mula sa pagkaka-yukyok upang lapitan kami.
"Joseph..how did you know that she's here?"
Kaswal niyang tanong tsaka ako tinapunan ng tingin. Nag lapat ang labi ko sa pag-pipigil. Hindi ito ang tamng lugar at oras para komprontahin ko siya.
"She called me.."
Kumawala ang hilaw na ngiti sa labi ni Gibson tsaka hinimas ang baba na para bang nag-iisip.
"Is that so. And what about you Bianca? The last time I heard you're not in a good foot with her."
"Kaibigan ko pa rin siya."
May diin kong tugon.
"She's with me."
Sabi ni Joseph tsaka ako marahang kinabig palapit sa kanya. Nagsalubong ang kilay ni Gibson at mataman kaming pinag - aralan.
"Oh? So Chelsea is right after all."
Nakangising aniya. Uminit lalo ang ulo ko. Ang level ng pagka-irita ko sa lalaking ito ay lalong tumataas. Hindi ko gusto ang malisyosong pagkakalapat ng labi niya na para bang may nais pa siyang idagdag ngunit sinarili na lamang. Hindi na ako magtataka kung madalas nila akong maging topic sa tuwing magkasama sila. Wala na rin naman akong pakialam.
"Mind your own business Gibson. Why are you here tho?"
Tanong ni Joseph. Sumeryoso si Gibson pagkaraang ituro si Chelsea na kasalukuyang payapa sa pagkakatulog.
"Brought her here. "
Naupo itong muli sa kina-uupuan nito kanina bago kami dumating, ni hindi man lang kami inan-yayahang maupo din. Bumitaw si Joseph mula sa pagka-ka-hawak niya sa aking balakang. Kaagad akong nakaramdam ng kahungkagan ng lisanin ng init ng katawan niya ang akin.
Lumapit siya kay Chelsea, inabot ang kamay nitong may nakatarak na IV fluid tsaka marahan iyong hinaplos na para bang babasaging gamit. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking pansin sa suot kong sapatos.
"She's having a high fever, nagha-halusinasyon na sa sobrang taas ng lagnat."
Imporma sa amin o kay Joseph ni Gibson. Kung nag-a-alala siya kay Chelsea ay hindi ko iyon makita, o magaling lang siyang magtago. He look very formal for someone who's having an affair with my husband's ex-girlfriend.
" Where did you saw her?"
Si Joseph, habang dina-dama ang noo ni Chelsea. Muling bumaling sa akin ang tingin ni Gibson.
"Standing outside.. in your pad actually."
Sinabi niya iyon ng hindi inaalis ang tingin sa akin.
"What?"
"I think she's waiting there, for you guys to arrive."
Kibit balikat na sabi nito. Hindi ako nakaimik. Parang piniga ang puso ko, ang buong akala ko ay magkasama sila ni Gibson.
"I'm actually with Erick and Rony."
Tukoy nito sa mga kaibigan ni Joseph.
"They just left a while ago to have something."
"I see, thanks."
"What about you two. Bakit kayo magkasama?"
Baling naman ni Gibson kay Joseph. Ilang minuto din yata ang lumipas bago sumagot siya sumagot.
"Bianca and I just got married, hindi sinabi ni Erick?"
"He did, I'm just confirming it from you."
Natatawa nitong sabi.
"Congrats bro."
Dagdag niya pa pero sa akin nakatingin. Nag-init ang pisngi ko hindi dahil sa kilig kundi sa hiya. I don't know, but I feel embarrassed under his stare. There's this certain look of him that scrutinize me even if he didn't say a word. Maybe because he knew something? Maybe because he knew what I did.
Nag-paalam ang dalawa na susundan ang mga kaibigan nito kaya naiwan akong bantay ni Chelsea. Ginagap ko kamay niyang kanina ay hawak ni Joseph at marahang pinisil. Bakas ang pagod sa kanyang mukha, nangingitim din ang ilalim ng kanyang mga mata at bahagyang humpak ang kanyang pisngi. Malaki ang nabawas sa kanyang timbang. Nakaramdam ako ng labis na awa para sa kaibigan ko. Malaki ang naging epekto ng mga pang-yayari sa kanya, at hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt dahil doon.
Pero bakit? Hindi ba't may relasyon sila ni Gibson? Bakit ganito siya ngayon? O baka naman nagka-kalabuan sila? Aayusin ko sana ang unan niyang bahagyang pumaling ng mapasinghap ako sa gulat. Chelsea was staring blankly at me. Tumikwas ang labi niya ng mapansin ang naging reaksyon ko.
"Si Joseph ang tinawagan ko pero ikaw ang narito? Anino ka na rin ba niya ngayon?"
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
Sa halip ay tanong ko.
Walang kasing talim ang tinging ipinukol niya sa akin tsaka marahas na binawi ang kamay niya, dahilan upang mabunot ang swero. Agad akong napa-tayo upang i-check iyon pero hinawi niya ang kamay ko.
"Huwag ka ng mag-kunwaring nag-a-alala Bianca. Wala namang naka-kakita sa iyo."
Nang-uuyam niyang sabi. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. She's hurt, kaya uunawain ko nalang siya.
"You must be so...happy. He married you and not me. He chose you over me!"
Singhal niya sa akin. Napa-urong ako sa galit na lumarawan sa mukha niyang sa tuwina ay maaliwalas na nakangiti.
"Ibinigay mo lang ang sarili mo sa kanya pero nagawa mong kumbinsihin siyang hiwalayan ako at pakasalan ka? For what? Ano ang nakapag-pabago sa isip niya? Mas magaling ka ba? Mas nasarapan ba siya? We had s*x too! Not just once! Sa loob ng halos dalawang taong naging magka-relasyon kami hindi lang isang beses na nagsalo kami sa iisang gabi. Countless of times Bianca! "
She spat. Nanikip ang dibdib ko sa mga sinabi niya. May ideya naman ako kung ano ang naging uri ng pag-sasama nila, pero para paring dina-dakot ang dibdib ko ngayong sa kanya mismo iyon nanggaling.
"I hate you! Narinig mo? Kina-mumuhian kita!"
Mabilis ang naging pagbangon niya at tila walang iniindang sakit na dalawang kamay niya akong naitulak mula sa aking dibdib. Nawalan ako ng balanse at napa-upo sa malamig na sahig. Babangon pa sana siya upang makalapit sa akin pero nauna akong makabawi at nakatayo. Nakalimutan ko kung nasaan kami. Nakalimutan ko na kailangan ko siyang pag-pasensyahan. Nakalimutan ko na may sakit siya. Nagdilim ang paningin ko kasabay ng pag-lagapak ng palad ko sa pisngi niya.
Nanginginig ang kamay ko sa galit na sinagot niya ng mapang-insultong tawa.
Sapo niya ang pisngi subalit kung patalim lang ang bawat titig niya ay malamang bumulagta na ako sa labis na galit na naka-silay sa mga mata niya.
The charming, sweet and endearing best friend of mine that I once knew was gone. Para siyang tinubuan ng sungay sa paningin ko.
"Sa tingin mo ay napa-saiyo talaga si Joseph? No! Hibang ka kung sa palagay mo na ang kasal na iyon ang magbibigay daan para mahalin ka niya! He's still mine by heart! Ako at tanging ako lang ang mahal niya. You are nothing but a beggar!"
"At sa palagay mo ba ay babalik pa siya sa iyo? Mahalin man niya ako o hindi, kasal na kami. At ikaw? Sisingit ka pa rin sa lalaking kasal na habang nakikipag-kalantari sa iba? Siguro nga ay tama ka, pero ano kaya ang magiging reaksyon n'ya sa oras na malaman niyang gina-gago mo lang siya. Ngayon ko naiisip..bakit hindi ka inilalantad ni Gibson gayong hindi ka na niya kailangang itago. Is he really into you, or just like you to Joseph, Gibson is just using you for excitement? In the end Chelsea you are left with nothing."
Chelsea's eyes are rimmed with tears that threatening to fall. I felt sorry for what I've said, but I just can't zip my mouth. Nasasaktan din ako. My heart constricted painfully in my chest when she started to cry. Walang hinto sa pagdaloy ang luhang namamaybay sa kanyang mga pisngi. Lumapit ako sa kanya, hindi ko alam kung paano pa-gagaanin ang loob ng isang taong suko yata hanggang langit ang pagka-muhi sa akin.
"I'm sorry Chelsea.."
Iyon ang lumabas sa mga labi ko. Maging ako ay naiyak na rin. Nanliit ang mga mata niya sa akin at inabot ang ulo ko. Mahigpit ang pagka-kahawak niya sa aking buhok habang iwina-wagwag ang ulo ko.
"Chelsea ano ba..tama na. "
Pilit kong inaalis ang mga kamay niyang gigil na gigil sa pagsabunot sa akin. Naramdaman ko ang pagluwag ng mga kamay niya kaya bahagya ko siyang itinulak.
"Bianca stop! Please stop.!
Malakas na palahaw niya. Ilang sigundo din akong nalito, pero ng bumaon ang mga kuko niya sa balat ko ay naitulak ko s'ya. Bumagsak siya sa hospital bed niya at iniharang ang mga braso sa kanyang mukha na para bang pino-protektahan ang sarili.
"Please stop."
Umiiyak na sabi niya. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa kanya. Ang akala ko ay may personality disorder na siya pero pinanlamigan ako ng katawan ng marinig ko mula sa aking likuran ang boses na iyon ni Joseph.
"What the hell are you doing Bianca!"
Dumagundong ang boses niya sa kabuuan ng kwarto kaya para akong natuklaw ng ahas mula sa pag-kakatayo ko. Lumingon ako sa aking likuran. Pagkamangha o gulat ang nakalarawan sa mukha ng mga kaibigan ni Joseph buhat sa nasaksihan. Pero si Joseph? Walang salita ang galit na pwedeng ilarawan doon. Kung pwede lang siguro niya akong sapakin ay ginawa na niya.
Hindi ako naka-kilos nang halos gawin niyang apat na hakbang lang ang layo namin. Matalim ang mga matang sumalubong sa akin. Napalunok ako, at ng lingunin ko si Chelsea ay kasumpa-sumpa ang ngiting nakaguhit sa kanyang labi.