Asiwang- asiwa na siya kanina pa sa mga tingin na ipinupukol ng presidente sa kanya. Hindi na niya maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito. May mga time na hindi na siya makasabay lalo na at parang kakainin na siya nito ng buhay.
Hindi na rin niya maintindihan kung bakit kailangan pa siya roon samantalang alam naman lahat ni Mr. Marasigan ang dapat na isagot dito. Kapag naman humihingi ng pabor sa kanya ang amo ay bigla na lamang nitong babaguhin ang gusto. Feeling niya pinaglalaruan na lamang sila nito ngunit may sense naman lahat ng sinasabi ni Harry. Hindi nalalayo sa tinatalakay nila.
Alam niya rin na napupuna na iyon ng assistant nito at ni Mr. Marasigan. Hindi lamang kumikibo ang mga ito. At siya ang nahihiya sa ginagawa ng lalaki. Alam niyang galit ito sa kanya, kung ganon ay bakit halos hindi na ito kumukurap sa kakatitig sa kanya? Ayaw niyang mag-isip ng ganon ngunit iyon mismo ang ginagawa nito. Kahit na kausap nito ang amo niya o kaya ay si Sir Jason, halos hindi nito hinihiwalay ang mga mata sa kanya, pwera na lamang kung may kailangan itong basahin.
"That would be all?" tanong nito sa mahabang eksplanasyon ng amo niya. Naisip niya tuloy kung naintindihan ba nito lahat dahil para lamang itong tulala habang nakatitig sa kanya.
"Yes, sir. If we need revisions we can do it."
"Alright. You can go," mabilis na sabi nito. Nakahinga na siya ng maluwag dahil don. Sa wakas, makakalayo na siya rito. Mabilisan niyang inayos lahat ng gamit na dala niya doon. Wala na siyang paki kung masyadong obvious na nagmamadali na siya na makalayo doon.
"But not you, Miss...?" napatingin siya sa amo, wala namang ibang miss doon kundi siya lamang. At talagang tinatanong pa nito ang pangalan niya?
"Ahm... sir-" itinaas ni Harry ang kamay nito na senyales na pinapatigil nito si Mr. Marasigan na magsalita. Sumunod ay inaya na ito ni Sir Jason na lumabas.
Alam niyang ayaw siyang iwan nito. Pero naiintindihan naman niya ang amo. Ngunit ano ng gagawin niya? Naiwan na siya sa kuko ng leon.
Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Alam niyang maaaring mangyari ito kapag nagkita sila. Hindi niya lamang inaasahan na magiging amo ito.
"So...?" seryoso pa rin ang mukha ni Harry. Alam niyang pinaglalaruan lamang siya ng lalaki. Power tripper!
"Nicolas. Sir, my name is Jasmin Nicolas. "Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil kahit na halos mahimatay na siya sa kaba at inis para rito ay nagawa pa rin niyang magsalita ng maayos.
Wala siyang kasalanan dito. So, bakit siya matatakot o mahihiya?
"So, Jasmin, how are you? Long time no see." Kabaligtaran ang nasa pagmumukha nito. Kahit na nangangamusta ito ay mukha naman itong kakain ng tao sa reaksyon na makikita rito.
Hindi na niya itinago ang pagkunot ng noo. Alam niyang hindi maganda na ipakita niya ang attitude na iyon lalo na at presidente ng kompanyang pinagtatrabahuhan ang nasa harapan niya.
"Maayos po ako, sir. Iyon lang po ba?"
The president mockingly laugh at her. Pero hindi siya magpapatalo. Hindi naman yata tama na basta na lang siyang pinaiwan nito roon dahil lamang nangungumusta ito? Or mangungumusta lamang ba ito? Ipipilit na naman ba nito ang mga bagay na hindi naman niya ginawa?
"Feisty. Hindi ka pa rin nagbabago." Pakiramdam niya, nanunuot na sa kaloob-looban niya ang paningin nito. Matalim iyon ngunit may pakiramdam din siyang hindi lang iyon ang nais na ipakita ng mga mata nito. Merong isang damdamin ang naroon na madalas ay nawawala na lamang.
Iwinaksi niya ang nasa isip. Iba na ang Harry na kaharap niya ngayon. Mataas at tipong hindi kayang abutin ng tulad niya.
Galit pa rin ito sa kanya.
Alam niya sa sarili niya na wala siyang ginawang masama rito. Hindi lamang sila nagkaintindihan at isa pa ay mga bata pa sila noon.
"I think, sir, it's not appropriate to talk about that. In the office." Pinipilit niyang huwag mabulol sa harap nito. Ayaw niyang magmukhang kawawa.
"What? What did I say?" He mockingly looked at her and smile. Ayaw niya sa ngiting ganoon. Parang walang mabuting nasa isip ang ganoong klase ng ngiti. At iyon na nga mismo ang nararamdaman niya.
"Mr. Montenegro, kung wala naman po kayong... kailangan, mauna na po ako." Pinilit niyang tumingin sa mga mata nito, ng derecho.
"Who says so?" mapaglaro ang reaksyon ng mga mata nito nang sinabi iyon.
Nakakalito ka Harry!
"Sir-" Napahinto siya ng magsimula itong lumakad palapit sa kanya. Malayo ang distansya nila at ayos na sa kanya ang ganon. Kaya naman ng lumakad ito palapit sa kanya awtomatiko siyang napaatras. Bahala na kung isipin man nito na natatakot siya rito. Hindi naman talaga tama na ganoon ang mga kilos nito lalo na empleyado siya nito.
Mahina itong tumawa ng makita ang reaksyon niya.
"Afraid?"
"No, sir. Hindi lamang po tama na masyado tayong malapit habang naguusap. Baka po may makakita sa atin."
"Who? Marasigan?" naging mabalasik na naman ang emosyon ng mga mata nito.
Ano? Ang amo niya? Bakit naman ganoon ang reaksyon nito? Hindi kaya napag-initan nito ang amo? Pero bakit naman pati sa kanya ay parang mainit na rin ang dugo nito?
Gaga! Ang alam niya may kasalanan ka sa kanya di'ba?
Oo nga pala.
"Kahit sino po, sir, hindi lang ang amo ko." Pinapakalma na lamang niya ang sarili niya. Naiinis siya rito. Pero mas lamang ang kaba dahil parang mas naging nakakatakot pa ang lalaki.
Noon, mailap ito at bihirang ngumiti. Pero hindi ito nakakatakot tulad ngayon. Noon, kahit na hindi pa sila close, hindi naman ito ganon kasuplado at kahit kailan hindi siya tinignan ng masama katulad ng sa ngayon.
Magkaiba na talaga ang Harry na kilala niya at ang Harry na nabulag sa galit at kawalan ng tiwala.
"You're right! But why worry? Who would think na may gagawin ako sayong masama? You are not even my level."
Masakit ang mga salitang iyon. Alam niyang tutulo na ang mga luha niya. Kaya pilit niyang magmukhang relaxed at walang pakialam sa mga sinabi nito. Hindi niya bibigyan ng kasiyahan ang lalaking ito na makita siyang kaawa-awa.
"If that's the case, sir, can I go now?" halos pabulong na lamang ng sabihin niya iyon. Her voice would shake kapag mas nilakasan niya pa. Pero sinigurado niyang maririnig nito iyon.
Nakatingin lamang sa kanya ito. Matalim ang mga tingin nito sa kanya at nanunuot na iyon sa buong pagkatao niya.
Nang wala pa rin itong tugon makalipas ng ilang minuto, nagsimula siyang maglakad palabas. Wala na siyang pakialam kung hindi man ito sumagot. Oo nga at empleyado lamang siya nito. Hindi naman niya deserve ang mga sinabi nito sa kanya. Alam niyang masama ang loob nito, hindi, galit pa rin ito sa kanya.
Pero hindi na ba talaga ito nakalimot? Hindi naman siya nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag dito. Kung nasaktan ito, nasaktan din naman siya.
Hindi tuloy niya maiwasan ang bumalik sa nakaraan na siyang dahilan kung bakit niya kilala ang isang Harry Montenegro.