CHAPTER ONE

1216 Words
Mabilis ang mga kamay na tumipa siya sa keyboard ng computer. Kailangan niyang makauwi agad. Kung bakit naman kasi panay ang habol ng mga trabaho na ito. Kung kailan malapit na ang deadline tsaka ipapasa sa kanya. At pag nagalit ang boss niya dahil sa mga ito ay sa kanya na naman ang sisi. Nakakabanas! Minsan gusto na lang niya na sabihin sa boss nila ang mga gawain ng mga kasamahan niya sa trabaho, pero mabuti na lang may konsensya pa siya. At malamang na pagmulan pa ito ng tsismis, na naman. Sekretarya kasi sya ng marketing head sa isang bigating kompanya. Ang Laurel Brands, isa sa mga kompanya na pinamamahalaan ng Laurel Group of Companies. Ang kompanya na pinagtatrabahuhan niya ay sikat sa paggawa ng mga produktong pampaganda. At dahil number one ang company nila sa bansa sa kasalukuyan, kailangan na palaging heads up sila sa kung ano ang uso at patok lali na at tumataas ang kumpetisyon ngayon. Isa sa kanilang mabigat na kalaban ay ang biglaang pagsulpot ng mga beauty products mula sa ibang bansa. Ang boss niya ang in-charge rito. At dahil nasa marketing department sila, kailangan na mas aktibo sila. Kaya madalas ay naha-haggard ang mga kasamahan niya sa marketing department dahil sa demands ng tao, ng kompanya at higit sa lahat ng mga big boss. At dahil dito, mas madalas na tambak ang trabaho nila. At bago ito ipasa sa mga nakakataas, kailangan na dumaan muna ito sa amo niya. Si Mr. Edmond Marasigan, isang middle-aged man, biyudo at may isang anak na lalaki. Mabait ang amo niya lalo na kapag hindi nasasabon ng mga boss. Mahinahon at kahit pa madalas na stressed, palagi pa rin siyang nginingitian. Kaya nga nagsimula ang tsismis sa kanilang dalawa. Ang hirap naman na labanan ang tsismis kasi baka mas lalong isipin ng mga ito na totoo ang balita at guilty lamang siya. At isa pa, hindi siya 'yung tipo ng tao na basta na lamang papatol sa mga hearsays. Wala din naman naglalakas-loob na magtanong sa kanya. Ay, meron pala. Si Nikki, ang nag-iisang kaibigan niya sa opisina. Kalog ang babae at hindi na-intimidate sa kanya. Marami kasi siyang naririnig na balita na masyado raw siyang suplada tignan at parang walang balak makipagkaibigan. Hindi din naman kasi siya palangiti at palakausap lalo na at hindi naman siya kinakausap. Sa trabaho, propesyonal siya kung kumilos. Pero hindi naman siya suplada o masungit. Ang mga ito lamang ang nagbigay kahulugan sa nakikita sa kanya. Pero mabalik muna siya sa tinatapos niya. Sandamakmak na trabaho pa ang naghihintay sa kanya. Alas-kwatro na at isang oras na lamang uwian na. Nangangamoy overtime na naman. Nasa opisina pa man din ang boss niya kaya wala siyang lusot. Pabigat ng pabigat na ang pagpindot niya sa keyboard dahil talaga yatang mag-o-overtime siya. Malapit na ang uwian pero nasa loob pa rin ng opisina ang boss niya. Nagulat pa siya ng bigla siyang tawagin ng boss niya mula sa intercom. 'Pag pasok niya sa loob, nakasalubong na niya ng tingin ang amo niya. Pormal lamang ito habang nakatingin sa kanya. "Sir?" "Jasmin, do you have anything to do after your duty?" Napakunot ang noo niya sa tanong ng amo. Bakit naman kaya siya tinatanong nito? Biglang may nag "ding" sa isip niya. Baka naman gusto na nitong totohanin ang tsismis sa kanila at aayain siyang lumabas? Anak ng.. Anyway... "Wala naman, sir. Bakit po?" "Well, that is good. Alam kong marami kang tinatapos na trabaho. Pero, kailangan kita ngayon." Seryoso lamang ito. Alam naman pala nito na marami siyang trabaho. Masyado naman siyang naging assuming doon. Minsan kasi napa-praning na rin siya dahil sa tsismis, aaminin naman niya na affected siya doon. Dahil, hello? Sino ba naman ang magiging komportable na naiintriga sa boss. Mabuti na lang talaga magaling siyang magdala. Pero ano daw? Kailangan siya nito? Bakit? "Eh, sir, if you don't mind. Bakit po kailangan niyo ako?" Hindi na niya sure kung ano ang itsura niya. Naguguluhan siya sa parte na yun. "The big boss is here. Actually, not the old Laurel but the young one. He wants to see the heads now for a meeting." 'Yun naman pala. Eh bakit kasama pa siya? Mas lalo pang pinagulo ng boss niya ang isip niya. Mga heads naman pala ang kailangan bakit kaya kailangan pa siya? "Sir, heads ng department po? Meaning, kayo pong mga boss sa kompanya. Bakit po kailangan pa ako?" "Well, secretaries are allowed naman. Especially, sa mga matatandang katulad ko. That Laurel is kinda strict and has too much air. I want you to record every single word he will say. Take notes of everything he will demand." Pormal pa rin ang amo niya habang nagpapaliwanag, at kapag ganoon, wala siyang choice dahil ito naman talaga ang dapat na masunod. "The boss said it's better if we bring our assistants, nang sa ganon ay may mag-remind sa amin sa mga bagay na tatalakayin niya mamaya," dagdag pa nito. Ay peste kang Laurel ka! Sure na sure na ang OT ko at wala pang siguradong oras ang simula at ending ng meeting na 'yun. Wala namang kaso sa kanya kung mag-overtime siya paminsan-minsan. Alam naman niya ang responsibilidad niya sa trabaho. Kaya lang ay pagod na siya. Kaya nga nagmamadali siya kanina. "Look, I know that you are tired. Pero, I'm sure that you can file this as overtime. I will sign," pabirong sabi pa ng boss niya. Sige, 'yun na lang ang iisipin niya. Dagdag kita. Wala naman na siyang magagawa. Lalo na at ang big boss pala ang magpapa-meeting. "Sure, sir. Sabihan niyo na lang po ako kung pupunta na tayo sa taas para makapagligpit pa ako." Taas means the conference room. Nasa second floor sila at nasa fourth floor ang conference room. Wala naman na siyang magagawa. Nakakaawa naman ang boss niya kung iiwan niya lang. "The meeting will start soon after five o'clock. You can eat something or... coffee? You still have thirty minutes to prepare. Do not worry about the paperwork you are rushing. Bukas na lang 'yun." Wow naman talaga ang boss niya, sinuhulan pa siya. "Thank you, sir". "No, thank you, Jasmin." Nginitian pa siya nito. Feeling niya tuloy nagpapacute pa ito sa kanya. Puro kabaliwan na ang nasa isip niya. Kasalanan ito ng mga malisyosong tao sa opisina na yun. Pati kabaitan ng amo niya napagiisipan ng masama. Natural, mukhang anghel ito, kasi kailangan niyang mag-OT para rito. Nang makalabas sa opisina ni Mr. Marasigan ay napabuntong hininga na lang si Jasmin. Totoong pagod na siya dahil sa mga rush na trabahong ginagawa niya. Ngunit hindi naman yata tama na tumanggi siya sa amo. Kahit kailan ay hindi niya idinahilan ang pagod para lang makaiwas sa trabaho. Palagi niyang iniisip na maswerte siya at nakapasok siya sa Laurel na isa sa mga pinakamalaking kompanya sa bansa. Maganda magpasahod ang Laurel at lahat ng benepisyong nararapat sa kanilang mga empleyado ay ibinibigay nito. Kaya naman hindi siya nagrereklamo dahil malaking kompanya nga ito, meaning ay malaki rin ang responsibilidad nila bilang empleyado. May mga araw lang talaga na sumusuko rin ang kanyang katawan dahil sa dami ng kailangan niyang gawin tulad ng araw na iyon. Ilang saglit pa siyang tumitig sa kanyang computer bago muling nagsimulang tumipa sa keyboard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD