CHAPTER SEVENTEEN

1640 Words
Hindi alam ni Jasmin kung magpapasalamat ba si Jasmin na baling buto lang ang tinamo ng kapatid niya matapos ang insidenteng iyon. Labis siyang natakot para sa kapatid nang makita niya itong halos hindi makagalaw. Sangkatutak na sermon ang inabot nila sa mama nila. Hindi rin ito makapaniwala na nasangkot siya sa gulo at humantong pa nga na kinailangang dalhin sa ospital ang kapatid niya. Nag-alala siya dahil malaki ang naging bill nila roon. Ngunit laking gulat nila nang dumating doon ang papa ni Harry para sagutin ang bayarin sa ospital at para humingi na rin ng paumanhin. Masakit man para sa kanila ang nangyari sa kuya niya, hindi sila maaaring magalit kay Harry dahil ito naman ang nagsimula ng gulo. Agad niya iyong ikinuwento sa mama at papa nila nang dumating ang mga ito sa ospital kung saan isinugod ang Kuya Jake niya. Ang masakit lang doon ay pinapaiwas na siya ng mga magulang kay Harry dahil maaaring muling mangyari ang nangyaring iyon ayon sa mga ito. Bakit? Bakit kailangang siya ang magdusa sa kalokohan ng kapatid niya at ni Nilo? Ayaw niya iyon pero hindi niya maaaring suwayin mga magulang. "Harry, nasaan ka ba?" tanong niya sa isip. Pabalik na siya sa kanilang classroom pagkatapos silang ipatawag sa guidance office. Hiningan sila ng pahayag matapos ang pangyayari. Dalawang araw na ang nakalipas at dalawang araw na ring hindi pumapasok si Harry. Pero ang alam niya ay galing na roon ang ama nito para makipag-usap sa principal nila. Nauna nang kinausap ang grupo ni Nilo at ang barkada ng Kuya Jake niya. Naiinis siya sa mga ito dahil ayon daw sa mga ito ay ang kapatid niya ang may ideya ng lahat. Hindi niya naman maipagtanggol ang kapatid dahil wala siyang pruweba na si Nilo ang utak noon. Isa pa ay malinaw ang motibo ni Jake, nais nitong palayuin sa kanya si Harry. At magandang alibi iyon para kay Nilo. Malakas ang kutob niya na sinulsulan lang nito ang Kuya Jake niya. Hindi niya alam ngayon kung ano ang mangyayari sa kapatid niya at maging kay Harry. Tapos ay wala pa si Harry. Hanggang pag-uwi ay walang gana si Jasmin. Maaga rin siyang pumasok sa kanyang silid para makapagpahinga. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya.  Nakalabas na rin ang kapatid niya kanina at sa bahay na lang magpapagaling. Gusto niya itong kausapin at tanungin kung anong nangyari. Paanong nakaya sila ni Harry gayong nag-iisa lang ito. Ngunit alam niyang hindi pa iyon ang tamang oras para roon. Laman ng isip niya si Harry. Bakit kaya ito absent? Nag-aalala rin siya rito. "Harry, sana ay pumasok ka na bukas," piping hiling ni Jasmin bago siya nakatulog ng gabing iyon.                                                                                        ***** "Harry?" mahinang tawag ni Jasmin kay Harry sa nakayukong binata. Dinatnan niya ito nang umagang iyon sa kanilang classroom. Iilan pa lang sila roon dahil maaga pa naman. Ngunit alam niyang nakamasid sa kanila ni Harry ang mga kamag-aral nila. "Anong nangyari? Bakit hindi ka pumasok noong nakaraan?" tanong niya rito nang hindi ito sumagot. Isang linggo itong wala. At wala siyang magawa kundi ang umasa na isang umaga ay madadatnan niya ito roon. Hindi niya kasi alam kung babalik pa ba ito. Ngunit ngayon nga ay nasa harap na niya si Harry. Muling yumuko si Harry. Hindi rin ito makatingin sa kanyang mga mata ng deretso. "Harry..." muli niyang tawag sa binata. Naupo na siya sa kanyang upuan at humarap dito. "Ayos ka lang ba?" "Bakit?" mahinang tanong nito. Naguluhan siya sa tanong nito. "Bakit mo tinatanong kung ayos lang ako?" "Nag-alala ako sa iyo." "Nag-alala ka sa taong nanakit sa kapatid mo? Naospital pa siya dahil sa akin." Oo, mali si Harry na gumamit ito ng dahas. Ngunit hindi niya ito masisisi dahil ipinagtanggol lang naman nito ang sarili at siya rin. Iniisip pa lang niya na naisama siya ni Nilo ng araw na iyon ay nangingilabot na siya. Bigla talagang nag-iba ang tingin niya rito simula nang araw na iyon. Ni ayaw niyang makita ang lalaking iyon! Pero si Nilo, tila walang pakialam sa nangyari sa pagitan nila. Ang kapal pa ng mukha nito na ngiti-ngitian siya. "Hindi mo iyon kasalanan. Ipinagtanggol mo lang ang sarili mo." "Hindi ka ba galit sa akin?" Umiling siya bilang sagot sa tanong nito. "Hindi." Iniwas ni Harry ang tingin sa kanya. "I'm sorry, Jasmin. But I'm not sorry about what I did to your brother." Naiintindihan niya si Harry. Kung hindi ito lumaban ay baka ito naman ang naospital. "Pero paano mo ba nagawa iyon? Tatlo sila at mayroon pang iba. Nagawa mo silang talunin?" tanong niya rito. "I learned how to defend myself." Ganoon lang? Basta magaling lang itong makipaglaban? Naguguluhan man ay hindi na siya muli pang nagtanong tungkol doon.                                                                                       ***** Simula nang pumasok si Harry ay hindi na nila pinag-usapan ang tungkol sa nangyari. Alam niya rin na mali ang suwayin ang mama at papa niya dahil pinapaiwas na siya ng mga ito kay Harry pero heto pa rin siya at parati pa rin kasama ang binata. Mali iyon pero doon siya masaya. Isa pa, napatunayan naman nila na ipinangtanggol lang nito ang sarili. Iyon nga lang, ang kapalit naman noon ay nasuspinde ang Kuya Jake niya. Lumalabas kasi na ito ang may pakana ng pagsugod kay Harry. Naiinis siya dahil hindi man lang nagsalita ang kapatid niya laban kay Nilo. Dahil doon ay muli na naman silang nagtalong magkapatid at mas lalo lamang lumayo ang loob nila sa isa't isa. Galit ito sa kanya dahil ipinagtanggol niya si Harry. Ano bang inaasahan nito? Na kukunsitihin niya ang kabuktutan nito? Masama rin ang loob niya rito dahil hindi nito nagawang sabihin ang totoo. Malakas ang kutob niya na sinulsulan lang ito nila Nilo. Wala namang ibang magsasabi ng tungkol sa kanila ni Harry sa kapatid niya kundi ito. At hindi siya makakampante na kaibigan ito ng Kuya Jake niya. Ngunit lumipas lang ang panahon ay hindi naman niya nabago ang isip ng kapatid tungkol kay Nilo. Mas lalo lang silang nag-aaway kapag pinipilit niyang makinig ito sa kanya, hanggang sa sumuko na rin siya. Mahal niya ang kapatid. Nag-aalala siya para rito lalo pa at mas madalas nang masangkot sa gulo ang grupo nito. Nakakalusot lang dahil sa pera ng pamilya ni Nilo. Samantala, sila naman ni Harry ay mas naging malapit. Iyong malapit na malapit na sila lang ang may pagkakaintindihan. Sa kanya lang ito nakikinig at ewan niya kung matutuwa ba siya roon. Kinikilig, oo. Tulad ngayon, naroon siya sa gym ng kanilang school dahil magta-try out si Harry para sa basketball team. Noong una ay tumanggi na ito ngunit alam niyang gusto naman nito deep inside. Mahilig kasi ito sa larong iyon kaya panigurado siyang marunong ito. Ilang araw din niya itong kinumbinsi at napapayag naman niya. "Ang lakas mo talaga kay Harry, Jas!" sabi ni Amy na kasama niyang manonood ng try out. "Pero baka pagsisihan mo 'yan sa huli." Nagtataka siyang tumingin dito. Inginuso naman nito ang ilang kababaihan na naroon din. "Bakit?" tanong niya kahit na may ideya na siya kung ano ang ibig sabihin ni Amy. "Ngayon pa lang ay nag-iipon na ng fans si Harry at puro babae! Ikaw naman mag-iipon ng karibal!" tukso nito sa kanya. "Ang ingay mo talaga!" saway niya rito. "Baka may makarinig sayo." "Hay, Jasmin! Kahit ilang beses mo pang ideny malakas ang feeling 'ko na 'kayo' na ni Harry." Luminga siya sa kanilang paligid. Huwag naman sanang may makarinig sa pinagsasabi nitong si Amy. "Kung anu-ano 'yang pumapasok sa isip mo. Itikom mo 'yang bibig mo." "Sus! Sige, bahala ka. Mag-deny ka lang." Hindi na lang niya pinansin ang panunukso nito at muling itinuon ang atensyon sa harap kung nasaan ang ilang kalalakihan na sumali sa try out. Hindi niya alam na nakasimangot na pala siya dahil sa nakikita niya ngayon. Ang cheerleader ng cheering squad  ng kanilang paaralan ay kausap ngayon si Harry at obvious na kinikilig ang babae. "Kita mo na? Ngayon pa lang nilalapitan na si Harry. At ang una mong karibal ay ang cheerleader," tuya sa kanya ni Amy. Hindi na lang siya nagsalita. Ayaw niyang bigyan ng rason si Amy para isipin na nagseselos nga siya. Kahit na sa loob-loob niya ay gusto na niyang lapitan si Harry at ang babaeng iyon. Ang una niyang gagawin ay hilahin ang buhok nito at pagkatapos ay ibalibag sa malayo. Iyong malayong-malayo kay Harry. "Jasmin!" tawag ni Amy sa kanya. Napalingon siya rito. "Sisirain mo ba iyang bag mo?" Napatingin siya sa hawak na bag. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak niya roon. Nagulat siya ang binitiwan iyon. Ang akala niya ba ay iyon ang buhok ng cheerleader na iyon? "Hinid ka pa nagseselos niya ha?" muling tukso ni Amy sa kanya.                                                                                        ***** "Jasmin?" tawag ni Harry sa kanya. Nilingon niya ang binata. Pauwi na sila noon matapos itong mag-try out. Usapan kasi nila ay sabay pa rin silang uuwi nito. "Galit ka ba sa akin?" Kinunutan niya ito ng noo. "Bakit mo naman naisip 'yan?" "Hindi mo kasi ako pinapansin." "Pagod lang ako." "Sorry, hindi 'ko naman alam na lalapitan ako ni Sidney," maya-maya ay sabi nito. "Sidney? Sinong Sidney?" nagtataka niyang tanong dito. "Iyong cheerleader ng school natin." "Bakit naman ako magagalit kung nilapitan ka niya?" Hindi agad ito sumagot at ilang segundo lang siyang tinignan. "Ang sabi ni Amy, nagseselos ka raw," sagot nito. Sa isip niya ay si Amy na ang sinasabunutan niya at tinatahi ang bibig. Wala talaga siyang maitatago sa babaeng iyon. At talagang sinabi pa nito kay Harry na nagseselos siya. Napapikit siya sa pagkainis. Nang makabawi ay agad siyang nagpaliwanag kay Harry. "Huwag kang naniniwala kay Amy. Alam mo namang lukaret 'yon." "But I like to," mabilis nitong sagot. "Ano?" "Gusto kong maniwala sa kanya na nagseselos ka." Napanganga siya sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD