MARGARET POINT OF VIEW Habang nasa rest house kami ni Marco sa Batangas ay marami din kaming nagawa sa Batangas. Pumunta din kami sa farm na binili niya dito sa Batangas sobrang saya lang dahil naranasan ko manguha ng talong at okra dahil ngayon ang harvest nila. May mga kalabasa din kaya tuwang tuwa ako. Sumakay din kami ng kabayo na sabi ni Marco ay binili pa niya sa ibang bansa. Ngayon ko lang din nalaman na marami na pala siya nabiling mga property dito sa Batangas. Gaano na ba kayaman ang taong to? Ang alam ko lang ay pareho lang naman sila ni kuya. Hindi ko lang din talaga alam na ganito sila nila na magkakabarkada. Ang alam ko si kuya ay may binili ring property sa Nueva ecija at sa Baguio. “Tignan mo yun Marco." Excited na sabi ko at tumakbo sa maisan kung saan may nakikita akon

