Alam kong mali, may mali na naman akong naging desisyon sa buhay pero hinayaan ko. Hinayaan ko na ang sitwasyon ang magdala sa akin. “I love you, babe and thank you so much.” Muli akong tumingin sa mata ni Marco at ngumiti. Bakit ganun, bakit hindi ko magawang maging Masaya katulad ng saya na nararamdaman niya. Bakit nasasaktan akong nakikita siya. “I-i love you too, babe.” Nauutal na sagot ko at nag iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko siya kayang tingnan habang sinasabi ang mga salitang yun. Alam kong mahal ko siya pero bakit ganun? Bakit hindi ako masaya? Bakit nakakaramdam pa rin ako ng galit sa kanya? “Oh my god congratulations Marga, Anak.” Tili ni tita Gemary na agad na lumapit sa amin at niyakap kami. Ganun din ang iba naming mga pamilya na ngayon ay tuwang tuwa. “Welcome to the

