Habang kumakain kami hindi ko maiwasan mapulahan ng mukha dahil sa mga tanong ng mga pamilya namin ni Marco. Nasa amin kasi lahat ng mata nila at halos nakikita nila ang bawat galaw namin ni Marco kaya hindi ako naging komportable. “Are you okay?" Tanong sa akin ni Marco habang ang kamay niya ay humihimas sa hita ko. “Hmm, okay lang ako.” Nakangiti kong sagot sa kanya. Alam ko na nahahalata niya na hindi ako komportable sa mga tanong ng mga magulang namin. " Tapusin muna yang pagkain mo at ihahatid na kita sa kwarto mo." Aniya na tiningnan ang plato ko. Halos wala kasi bawas ang pagkain ko sa plato at kumakain lang ako kapag sinusubuan niya ako kahit nasa harap kami ng pamilya namin. “Busog na ako eh." Pag dadahilan ko sa kanya. " Ah, tita ihatid ko na po muna si Marga sa kwarto niya,

