“Hanggang kailan ka hihiga at hindi magigising Xander? Gumising ka na please, hinihintay ka na ng anak mo, alam mo ba na gustong gusto ka niya makalaro? Papayag ka na lang ba na lalaki siya na hindi mo nakikita? Tatlong taon ka na dyan at hindi mo man lang nakita ang unang lakad niya, at hindi mo narinig ang unang salita na nabigkas niya, kaya please gumising ka na.” Saad ko habang hawak ang kamay ni Xander. “Daddy gising ka na please, ayaw mo po ba akong makalaro daddy? Sabi po ni mommy magaling ka daw po mag basketball katulad ko kaya gising ka na po para maglaro tayo.” Sabi naman ni Xion sa ama niya. “Mommy hindi po ba ako mahal ni daddy kaya po natulog na lang po siya kaysa nakipag laro sa akin?” Inosenting tanong niya. Kinuha ko siya sa gilid ng kama at binuhat. “No baby, dahil lov

