"HEY! You're smiling, Sir. Ano na naman ang iniisip mo?" pukaw ni Renz kay Dwayne nang mapansin nitong napapangiti siya habang nakaupo sa sofa at nakadipa sa sandalan niyon.
Kumurap si Dwayne. "Huh?" Hindi niya masyadong narinig ang sinabi ni Renz dahil sa kakaisip niya sa reaction ni Yuri sa tuwing inaasar niya ito. Hindi niya alam pero may kakabang saya siyang nararamdaman sa tuwing nakikita niyang naaasar sa kaniya ang dalaga.
"Ang sabi ko, Sir bakit ka ngumingiti, may binabalak ka na naman bang hindi maganda?" pasigaw na sabi ni Renz, napailing pa ito dahil sa nawawala sa sarili ang amo.
Kapagkuwa'y, ngumiti si Dwayne nang mapagtanto ang sinabi ng alalay. "Huh? Ako ngumingiti, why should I, Renz?"
"Aba! Malay ko ba sa 'yo, Sir. Ako pa tinanong mo, ano bang alam ko sa iniisip mo?" gulat na sagot ni Renz.
"Hindi ba pwedeng gumalaw lang ang mga labi ko? Teka ka nga, bakit ba pati pagngiti ko pinapansin mo, huh? Bawal na ba akong ngumiti?" sabay sabi niya na seryosong tiningnan ang kaharap.
"Hindi naman sa bawal, Sir kaya lang everytime na ngumingiti ka, kinakabahan ako, eh. I know who you are, Sir. Nasa Manila pa lang tayo, ngumiti ka lang alam ko na ang nasa isip mo," pagtatapat ni Renz.
Kung sa bagay, totoo naman ang sinabi ni Renz. Nang nasa Manila pa kasi sila, magkasundo na sila sa kalokuhan at sa gulo. Ngiti pa lang ni Dwayne, alam na agad ni Renz ang ibig sabihin niyon. Best friend in crime nga nilang ituring ang isa't isa dahil sa dami ng gulong pinasukan nila, magkasama pa rin sila at hindi naghihiwalay.
Saglit na kumurap si Dwayne. "Ok fine, payag," pagsuko niya.
"Pero sana naman this time, mali ako ng iniisip. Sana may kabuluhan ang dahilan ng iyong ngiti, Sir Dwayne. Simula kasi ng mawala si Ma'am, tuluyan ding nawalan ng kabuluhan ang mga ngiti mo," patuloy ni Renz.
Natahimik si Dwayne. Hindi niya alam ang mararamdaman pero alam niyang nandoon pa rin ang sakit at pangungulila para rito. Ilang taon na ang nakalipas, pero ang sakit at sugat, nanatiling nasa puso niya at hindi pa rin iyon humihilom.
"I don't know, Renz. Hindi ko alam kung kailan uli ako ngingiti dahil sa galak na nararamdaman ko. I don't know how to smile genuinely," malungkot niyang sambit.
"I understand, Sir. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo at hindi natin mapipilit ang sarili nating kalimutan ang isang tao na naging malaking bahagi ng pagkatao natin."
"You're right, Renz, it's not easy pero I am still trying to forget her dahil iyon ang dapat kong gawin. She's not part of my life anymore."
Pero paano gagawin ni Dwayne na kalimutan ang babaeng pinaglaanan niya ng oras at pagmamahal? Hindi siya nagseseryoso sa babae, he's a certified playboy pero kapag nagseryoso siya, he's willing to give up everything he had dahil naniniwala siyang ang babaeng minahal niya, ay ang bubuo ng pagkatao niya at magpupuno ng kulang sa kaniya.
—
NAPABUNTONG-HININGA si Yuri nang makalabas sa food stool na pinagtatrabahuhan niya. Hating-gabi na at sa wakas natapos na rin ang trabaho niya. Nauna na siya kay Sia dahil ito na raw ang magsasarado ng restaurant.
Nag-abang si Yuri ng Jeep na masasakyan pero mukhang mahihirapan na naman siya dahil hatinggabi na. Mangilan-ngilan na lang ang dumadaang sasakyan sa kalsada.
Pero mayamay pa'y nagtaka siya nang biglang may humintong sasakyan sa harap niya. Kapagkuwa'y, bumukas ang bintana niyon at kumunot ang noo niya nang makita roon si Dwayne. Agad itong ngumiti sa kaniya.
"Hey, I'll give you a ride."
Seryoso niyang tiningnan ang binata dahil sa alok nito. Dapat ba niyang pagkatiwalaan ang lalaking ito? Yes, gwapo siya at mukhang katiwa-tiwala pero dahil sa ginawa nito sa kaniya sa bar at sa pang-aasar nito sa kaniya, nawawalan iyon ng halaga.
"Thanks but no thanks. Maghihintay na lang ako rito kahit umagahin ako," masungit niyang sabi.
"It's already morning, Yuri at mahihirapan ka nang sumakay. Why don't just accept my offer?" pilit nito na seryoso na ang mukha.
"Bakit ako sasama sa iyo? Eh, hindi nga kita kilala," giit naman niya. "I don't easily trust to stranger," dahilan pa niya.
Napangiti ang binata at napakamot pa sa noo. "Do you think I'll do something to you? Yuri, nakikita mo 'tong mukhang ito?" Itinuro pa ni Dwayne ang sariling mukha. "Mukha ba 'tong gagawa ng hindi maganda? Come on, Yuri don't judge me," seryosong sabi nito.
"Bakit wala ka bang ginawa sa akin? Baka nakalilimutan mo 'yong ginawa mo sa akin sa bar at dahil doon, dapat ba kitang pagkatiwalaan?" tanong niya.
Ngumiti si Dwayne habang nakapatong ang isang siko nito sa bintana ng sasakyan. "So, it means you don't really forget what happened that night? If that's so, you also don't forget me," pang-aalaska nito.
Bigla siyang nakaramdam ng hiya kaya umiwas siya ng tingin kay Dwayne. "Pwede ka nang umalis kung wala kang ibang sasabihin," pagtataboy niya. "Wala akong oras para patulan ang kahibangan mo. Pagod ako at gusto kong magpahinga at huwag mo nang dagdagan pa ang isipin ko," seryoso kong sambit.
"Iyon naman pala, eh, pagod ka, so I'm here, Yuri nagmamagandang loob and without any hidden intention."
Muli niyang binalingan si Dwayne at tumambad sa kaniya ang seryoso nitong mukha na hindi mababakasan ng pagbibiro. Hindi niya alam pero may nag-uudyok sa kaniyang tanggapin ang alok nito pero may bahagi ring tumututol. Hindi agad siya umimik at umiwas ng tingin sa binata.
"Paano kita pagkakatiwalaan?" seryoso niyang tanong.
"Huh? What do you mean, Yuri?"
"Paano kita pagkakatiwalaan kung tatanggapin ko ang offer mo na sumakay sa sasakyan mo?" paliwanag niya.
Napangiti si Dwayne at napailing. "Yuri, wala akong gagawin sa iyo, ok? I'm not that jerk and sh*ts. May ginagawa lang ako kapag gusto nila," sabay banat nito.
Kumunot ang noo niya at saglit na nag-isip. Napakiling pa ang ulo niya at saglit na pumikit. "Ok, tatanggapin ko ang alok mo ngayon dahil mapilit ka," pagpayag niya pero sa totoo lang gusto na talaga niyang makauwi para magpahinga at kung maghihintay pa siya, siguradong matatagalan pa siya. "Dito ako sa likod sasakay para sigurado," aniya pa. Hindi niya alam pero dahil sa ninakawan siya nito ng halik, inisip na niyang manyak ito at playboy.
"Gusto mo sa bubong ka pa para sure ka na wala akong gagawin," pagbibiro nito. "Masyado mo na atang hinuhusgahan ang pagkatao ko, Yuri, ah? I'm that bad in your eyes? Ikaw na rin ang nagsabi na you don't know me, pero kung maka-judge ka it seems like you know my whole Story," seryosong sabi niya na hindi mabakasan ng pagbibiro.
Bigla siyang nakaramdam ng guilty sa mga sinabi ni Dwayne. Masyado na nga ba niyang hinusgahan ang pagkatao nito at nasaktan ito sa mga sinabi niya?
Tahimik siyang umupa sa passenger seat at pasimpleng tiningan si Dwayne mula roon. "Hindi sa ganoon, sinisigurado ko lang kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan o hindi," dahilan ko.
"And do you think I'm not worth your trust?"
"I don't know, Dwayne."