Kabanata 2

1701 Words
"KUMUSTA, Renz, ano'ng balita sa Manila?" tanong ni Dwayne sa alalay niya kung saan siya nakikituloy habang nasa Laguna siya para roon magpalamig ng sitwasyon. Hindi siya natatakot kay Alvin o sa Alpha Fighters man, pero alam niyang kailangan niyang magpalamig dahil sa ginawa niya rito. Sigurado siyang galit na galit ito sa kaniya dahil sa halos mapatay na niya ito at mabasag ang mayabang nitong mukha. Alam ni Dwayne na kumikilos na si Alvin para hanapin siya at gantihan. "Sabi ni Yuan, Sir, Alvin is still in the hospital. Hindi pa raw ito nakaka-recover sa ginawa mo sa kaniya. Kumikilos na rin ang pamilya nito kasama ang Gang na kinabibilangan nito para hanapin ka. Kilala mo ang mga Sisingco, Sir Dwayne they can do everything just for the sake of their unico hijo at alam rin natin kung gaano sila kaimpluwensiya, hindi lang sa negosyo maging sa politika. Kaya it's better for you to just stay here for a meantime. And please, Sir don't make another trouble here," mahabang paliwanag nito na sa huli'y may paalala pa. Napatawa si Dwayne habang nakaupo sa sofa. Sinapo niya ang noo at bahagyang iyong hinimas. "Nagmumukha akong duwag, Renz sa pagtatago ko, eh, and also I'm sick to this small town. I can't do whatever I want to do. Walang mall. Walang malalaking bar na may magagandang babae. Tuyot mga babae dito, pre," natatawang saad niya. Napakunot ang noo ni Renz na tumingin kay Dwayne. "Hanggang dito ba, Sir babae pa rin? Hindi ba napapagod yang t*t* mo?" naiiling at natatawang anito. "Kung kaya niyang magreklamo, for sure matagal na 'yang nagsalita or worse iwan ka," natatawang dagdag nito. Natawa si Dwayne. "Renz, try it and you'll know it. Masaya at masarap, dude." Tinapik pa niya ito sa balikat bago tumayo at pumasok sa loob ng silid niya para maligo. Pakiramdam niya'y nanlalagkit na ang katawan niya. Binuhay ni Dwayne ang shower kasunod ang pagpatak ng malamig na tubig sa katawan niya. Naramdaman niya iyon na dumaloy sa buong katawan niya. Makikita ang malapad na dibdib ni Dwayne at ang six pack abs nito na talaga namang trinabaho ng maayos dahil sa matigas at magandang hulma niyon sa kaniyang katawan. — NAPAKUNOT ANG noo at napangiwi si Yuri Yokumo nang sumalubong sa kaniya ang malakas na tugtog ng music at ang maingay na paligid nang pumasok sila sa bar na iyon kung saan inaya siya ni Shane at ng boyfriend nito na si Ronie para i-celebrate ang birthday ng kaibigan niya. Tatanggi pa sana si Yuri dahil hindi naman siya mahilig mag-party pero dahil birthday ng kaibigan niya, wala na siyang nagawa. "Let's enjoy, Yuri. Minsan lang 'to," pasigaw na ani Shane sa kaniya dahil sa malakas na musika na dumadagondong sa kabuuan ng silid na iyon. Pilit siyang ngumiti sa kaibigan at naglakad patungo sa bakanteng table sa bahaging gilid ng bar. "Sinama niyo lang ba ako para panoorin kayong maglandian sa harap ko?" naiiling at natatawang tanong ni Yuri sa kaibigan dahil halos ayaw na nitong bumitaw sa nobyo. Animo'y sawa kung makapulupot habang tila nanggigil ng halikan ang binata. Binalingan siya ni Shane at ng nobyo nito. "Alam mo, Yuri it's my birthday pagbigyan mo na ako. Sabi ko naman kasi sa 'yo, eh, maghanap ka na ng lalaking gagawin mong boyfriend, hindi 'yong puro ka trabaho," ani Shane. "Naku, Shane! Kung pwede nga lang na mag-asawa na ako, gagawin ko. Kaya lang hindi ko kayang iwan 'yong responsibilidad ko sa mga kapatid ko," balik niya. Simula kasi nang mamatay ang ina ni Shane, sampung taon na ang nakararaanan dahil sa isang aksidente, siya na ang tumayong ina at ama sa dalawang kapatid niya dahil siya ang panganay. Anak siya ng kaniyang ina sa isang hapones kaya ginamit ng mga ito ang apelyido ng ama niya na hindi naman niya nasilayan. Nakalimutan na nga ata ni Yuri ang sarili sa pagtataguyod sa mga kapatid niya. Gusto niya kasing tuparin ang pangako niya sa kaniyang ina na gagawin niya ang lahat para bigyan ng maayos na buhay ang mga kapatid niya. Napasinghap si Shane sa sinabi niya. "Sino bang nagsabing iiwan mo ang responsibilidad mo sa kanila, huh? Hindi naman ganoon 'yon, Yuri. Kailangan mo ring ng lalaking magmamahal sa iyo at uunawa. Someone who could help you. Kailangan mo ring hanapin ang kaligayan mo, Yuri hindi 'yong para na lang lagi sa iba," sambit ni Shane na palagi na niyang naririnig sa kaibigan. Napabuntong-hininga siya. "Hindi pa siguro ako ready sa ganiyan, Shane. Darating na lang siguro ang lalaking para sa akin," saad niya. "Alam mo, Yuri minsan hindi pwedeng hintay tayo nang hintay na dumating ang taong para sa atin. Sometimes, we need to do something to find the person na para sa atin," sabat naman ni Ronie ang nobyo ni Shane. "You're right, baby. Ang husay naman ng baby ko," tuwang saad ni Shane at pinaghahalikan pa ang nobyo. "Bahala ka nga, Yuri basta ako masaya kasama ang baby Ronie ko." Pumulupot pa ito ng husto sa nobyo at hinalikan ito sa pisngi. Natawa na lang siya at napailing. Mayamaya pa'y nagsimula na silang uminom na tatlo. Nakakaisang bucket pa lang sila ng beer pero parang nahihilo na agad si Yuri. Hindi naman kasi siya sanay sa inuman. Kung hindi nga lang siya inaya ng dalawang ito at para na rin pagbigyan ang kaibigan na nagdiriwang ng kaarawan, wala siya rito para mag-inom. Mariing napapikit si Yuri dahil sa bahagyang hilong nararamdaman niya. "I'm sorry, Shane wala akong gift sa iyo. Happy birthday lang ang kaya kong ibigay at samahan ka sa celebration mo," kapagkuwa'y sambit niya. Kumuha si Shane ng pagkain sa lamesa at sinubo iyon. "Ano ka ba, Yuri, you don't need to give me a gift. No worries, ok? Wish ko nga this birthday ko magka-love life ka na." Natawa ito sa sinabi at tila excited pa. Natawa siya. "Love life ko talaga, Shane? Naku! More money na lang sana para sa akin," balik niya. "Yuri, it's more fun in the arms of a handsome and hunk man," patuloy ni Shane. "Thanks but no thanks, Shane. I can live without a man," giit niya. "Aysus! Someone will come to change your mind, Yuri," Bakas na rin ang tama ng alak sa kaibigan niya na namumungay na ang mga mata. "Hindi ba, baby?" baling pa nito sa nobyo at hinalikan sa labi. "Oo naman. Happy birthday, baby!" sagot ni Ronie. Siya na lang ang nandiri sa nakikita niya sa harap niya. "Wait! CR muna ako. Hindi ko kayang panoorin kayong naghahalikan sa harap ko. Yuck! Kadiri!" pagbibiro niya sa mga ito. "Aysus! Napaka-bitter, Yuri. Mahahalikan ka rin at pagnangyari iyon, baka ayaw mo ng bumitaw," ani Shane na natawa rin. Tumawa na lang siya at tumayo sa pagkakaupo. Naglakad na siya palayo sa table na iyon at naglakad patungo sa comfort room ng mga babae. Tahimik siyang pumasok sa isa sa mga cubicle roon at inilabas ang dapat niyang ilabas. Napapikit pa siya nang matapos siyang makaihi. Sa ihi na nga lang ata siya kikiligin. Matapos niyang umihi, lumabas siya ng cubicle at tumungo sa sink area para maghugas ng kamay. Humarap siya sa salamin. Bumuntong-hininga pa siya dahil bakas sa mukha niya ang tama ng beer sa kaniya. Mababa naman kasi ang alcohol tolerance niya. Nahihilo na rin talaga siya. Inayos ni Yuri ang sarili bago lumabas ng CR. Pero ganoon na lang ang gulat ni Yuri nang makalabas siya ng CR nang biglang may lalaking humila sa kaniya at isinandal siya sa wall ng comfort room at walang pasabing hinalikan siya sa mga labi. Para siyang naestatwa dahil sa labis na pagkagulat. Nanlaki ang mga mata niya habang ramdam niya sa kaniyang labi ang malambot na labi ng lalaking iyon. Hindi rin siya nakagalaw para itulak ang mapangahas na lalaki. Nang makabawi si Yuri sa nangyari, kumurap siya at agad na itinulak ang binata pero hindi niya nagawa dahil hinawakan nito ang kamay niya. Bahagya nitong inilayo ang labi sa kaniya. "Huwag ka munang gumalaw, Miss. I'll be thankful if you do and let me kiss you again," pabulong na sabi ng lalaki at ginawa nga nito iyon na lalong nagpawindang sa sistema niya. Sinalakay siya ng kakaibang pakiramdam dahil sa baritonong boses nito na napaka-manly niyon. Nanuot pa ang mainit nitong hininga sa kaniyang tainga. Nabahala na si Yuri kaya nagpupumiglas na siya para itulak ang lalaking iyon pero mas diniin lang nito ang labi sa kaniyang mga labi at nagsimulang gumalaw. Ano itong nararamdaman niya? Ganito kapag nahahalikan? "Sh*t!" mura ng lalaki dahil sa ginawa ni Yuri. Kinagat kasi niya ang labi nito dahil sa mapangahas nitong paghalik sa kaniya. Napalayo ito sa kaniya habang sapo ang labi. "How dare—" Hindi nito natuloy ang sasabihin nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya. "Ikaw?!" gulat na bulalas ni Yuri ng makilala niya ang lalaking nasa harap niya. Tinitigan pa niya ang mukha nito at halos mahilo siya sa napakagwapo nitong mukha. Gusto niyang magwala. Isang gwapong lalaki ang humalik sa kaniya? Ang mga mata nito at ang makakapal na kilay na tila umaakit sa kaniya. May matangos din itong ilong at kissable lips. "Ok, Miss ganito na lang. I'm sorry for kissing you, ok? I just need to do it. Hindi ko intensyong halikan ka para bastusin, kailangan ko lang gawin 'yon para takasan ang babaeng ayaw na akong iwan." Tumingin pa ito sa gilid at tila nakahinga ng maluwang ng walang makita roon. "And remember, sinabi ko sa 'yong hindi free ang pagtulong ko. Isipin mo na lang kabayaran ito sa pagtulong ko. Thank you, Miss." Naiwan si Yuri na walang kibo at iniisip ang nangyari at ang lalaking humalik sa kaniya. Ito 'yong lalaking nagligtas sa kaniya no'ng nakaraang gabi mula sa dalawang hold-up-er na iyon. Napakagwapo nito sa malapitan at naiwan pa ang mabangong amoy nito. Pero hindi niya maiwasang hindi mainis sa ginawa nito. Nang makabawi siya sa nangyari, bumalik na siya sa table kung saan naglalandian pa rin si Shane at Ronie. Parang nawala rin ang pagkalasing niya dahil sa halik na iyon na hindi na mawala sa isip niya hanggang makauwi siya sa kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD