Kabanata 4

1577 Words
"ANO'NG nginingiti-ngiti mo riyan, Sir Dwayne?" Mabilis na naglaho ang ngiti ni Dwayne sa mga labi nang sabihin iyon ni Renz sa kaniya. Naalala lang kasi niya ang reaction ng babaeng hinalikan niya sa bar nang makita niya ito at naisipang asarin. He can't deny the fact that she's cute and simply beautiful. Mukhang hapones pero hindi pa rin nawawala ang pagka-pinay na ganda nito. Pinatong ni Dwayne ang siko niya sa bintana ng sasakyan habang hawak ang manibela niyon. Mahigit isang buwan pa lang si Dwayne sa Laguna pero nakabisado na niya ang pasikot-sikot sa maliit na bayan na pinagtataguan niya. "Nothing, may naisip lang ako," dahilan niya at dahan-dahang pinaandar ang sasakyan. Nasa mismong bayan sila ng Barangay Cruz dahil may pupuntahan daw si Renz doon. "Babae na naman siguro 'yan, Sir, 'no? Sino na namang nasarapan sa iyo kagabi at maswerteng babae na dinala mo sa langit?" natatawang sambit ni Renz. "Babae agad, Renz? Palibhasa you're an innocent virgin. I can live a day without girls," pagtatanggol niya. "Wait nga, saan ka ba pupunta, huh? Parang kanina pa akong nagmamaneho hindi pa rin tayo nakakarating sa pupuntahan mo," kunot noong pagbabago niya sa usapan. "At saka wait nga, bakit ba ako ang nagmamaneho?" sabay takang tanong niya. Nakita niya sa salamin ang napapailing at natatawang mukha ni Renz. "You insisted it, Sir," pakli nito. "Hayaan mo, Sir Dwayne pag-uwi ako na magmamaneho," anito. "Maglakad ka na lang pag-uwi, Renz I have something to do later," aniya na nagpalaki sa mata ni Renz. "Maglakad? Sir, naman huwag naman ganoon," nakangusong anito na ikinatawa niya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Mayamaya pa'y huminto ang sasakyan sa tapat ng isang, furniture shop. "Ano'ng gagawin mo rito? Bibili ng furniture?" usisa niya. Ngumiti si Renz. "Basta sumunod ka na lang sa akin, Sir malalaman mo rin," sagot lang nito. Napakunot noo na lang siya at sumunod kay Renz. Pumasok sila sa may kalakihang store na puno ng iba't ibang klaseng furniture na nagkikintaban. Karamihan doon ay gawa sa matitigas na kahoy na halatang mamahalin ang mga iyon. Palinga-linga lang siya sa paligid. May ilang mga customers doon na ina-assist ng mga sales lady ng shop. "Hello, nandiyan ba siya?" tanong ni Renz sa babaeng sa hula niya ay manager ng shop. Tumango ito at iginiya sila patungo sa silid sa gawing kanan ng shop. Kumunot lang ang noo niya sa pagtataka dahil wala siyang ideya kung sinong sadya ni Renz dito. Mayamaya pa'y binuksan ng babae ang pinto ng silid at tumambad sa kanila ang 'di kalakihang espasyo kung saan nakaupo sa isang swivel chair ang lalaking iyon. Nagulat siya ng makilala ito. "Enzo?" gulat na bulalas ni Dwayne ng makilala ang lalaki. "What are you doing here, dude?" tanong niya na hindi makapaniwalang makita ito roon. Ngumiti ang gwapong binata. Tumayo ito at agad na lumapit sa kaniya para mag-fist bump sila at magyakap ng sandali. "Long time no see, Bro. I'm just here a few days ago at sinadya ko talagang hindi ipaalam sa iyo, to surprise you, and look I did. You surprised," anito nang maghiwalay silang dalawa. Bumaling si Dwayne kay Renz na nagtatanong, kumibit-balikat lang ito. "Yeah! Kay Renz ko lang sinabi na darating ako," pag-amin ni Enzo. Si Enzo ang isa sa kasamahan niya sa Underground Society kung saan kabilang din si Dwayne roon, noon. Ito ang society kung saan, kabilang ang mayayaman at maiimpluwensiyang negosyante sa bansa. Nagkakaisa sila sa negosyo, sa illegal na negosyo kung saan makikinabang ang lahat. Isang taon na simula nang tumiwalag doon si Dwayne, simula nang mamatay ang kaniyang mga magulang. "Sh*t! Kumusta, dude? It's been a year since we last talked, right?" aniya at umupo sa sofa na naroon, ganoon din si Renz. "Isang taon na nga ang nakalipas, Dwayne at isang taon na rin nang iwan mo ang Underground society." May bahid ng lungkot sa boses nito. "And since you left, ang daming nagbago. Nakuha ng mga Sisingco ang katapatan ng lahat ng miyembro at naging sunod-sunuran sa gusto ng mga ito. The underground society is now controlled by the Sisingco Corporation, Dwayne at wala na kaming nagawa roon. Binago nila ang sistema at ang patakaran sa loob niyon," pagkwekwento nito. Gumihit ang lungkot at galit sa mukha ni Dwayne. "Naisip ko ng mangyayari ang ganito, Enzo at hindi ko iyon mapipigilan. Even if I choose to stay in the underground society, I can't do nothing to stop this. Lahat ng negosyante, gusto pang yumaman higit sa mayroon sila at iyon ang gagamitin ng mga Sisingco para mapasunod ang mga miyembro," kongklusyon niya sa mga nangyayari. "Tama ka, Dwayne dahil hindi lang illegal na transaction ang ginagawa ng society ngayon, pinasok na rin nila ang iba't ibang krimen kagaya ng kidnap for ransom at identify theft para manakaw ang mga pera ng mayayamang tao sa bansa kahit pa online na ang mga iyon," patuloy na pagsisiwalat ni Enzo sa kaniya. Lalong nangalit ang kaniyang mga ngipin sa narinig. "F*ck! Hindi iyon ang layunin ng underground society alam mo 'yan, Enzo. We aim to build a strong and unbeatable businesses," galit na saad ni Dwayne. "We have a reason for dealing those illegal transaction." "Sir, kilala natin ang mga Sisingco at kung paano sila gumalaw sa negosyo. Hindi na nakakapagtaka na gagawin nila iyon sa underground society," ani naman ni Renz. "Pero may maling nangyayari sa bawat perang pumapasok sa mga negosyante. Ang lahat ng kitang nakukuha nila sa illegal na transaction at kidnap for ransom, ay wala pang 10% ng kabuuang nakukuha nila," dagdag pa ni Enzo. "Tuluyan nang sinira ng mga Sisingco ang Underground Society at hindi ko iyon papayagan! Babalik ako ng Manila at babawiin iyon sa kanila," galit at madiing winika ni Dwayne. "Huwag muna ngayon, Dwayne. Hindi lang ang society ang sinira nila, pati ikaw Dwayne. Sinira nila ang pangalan mo at kinuha ang kanilang loyalty sa iyo. Sa kasalukuyan nga, pinaghahanap ka na nila para patayin," pagpigil ni Enzo sa gagawin niya. "Paanong sinira ang pangalan ni Sir?" usisa ni Renz. "Hinahabol ng mga negosyante ang perang tinangay di umano ni Dwayne sa kanila dahil sa nawawalang mahigit limang bilyon sa kanilang mga account," sagot ni Enzo. "Limang bilyon? F*ck! Wala akong tinatangay na ganoong halaga sa kanila. I have my own businesses that earn that much," protesta niya. "Kaya nga, you better stay here for a while Dwayne. I will do what I can do." Napuno ng galit ang puso ni Dwayne sa mga nalaman. Ang tagal niyang pinangalagaan ang underground society na sisirain lang pala ng mga Sisingco. Hindi siya makakapayag doon. Hindi iyon ang layunin ng society at higit lalo wala sa layunin niyon ang magpahamak ng mga inosenteng tao. Nakuyom na lang ni Dwayne ang kamao niya habang umiigting ang panga dahil sa galit at pagsisisi. Kung hindi kaya siya umalis sa society, ganoon pa rin kaya ang mangyayari? Matapos nilang mag-usap ni Enzo, nagpaalam na rin sila ni Renz na aalis na. Nalaman niyang isang linggo lang na mamamalagi roon si Enzo at babalik na muli sa Manila. "Please, Ma'am tanggapin niyo na po ako sa trabaho. Kailangan ko po talaga ito, Ma'am." Napalingon si Dwayne sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon. Isang babae ang nagmamakawang tanggapin ito sa trabaho habang hawak ang mga papel na marahil para sa pag-a-apply nito. Napakunot ang noo niya nang makilala kung sino ang babaeng nagmamakaawa. Nang makarating sila sa kinaroroonan nito at ng manager, napalingon ang mga ito sa kanila. Ganoon na lang ang gulat na bumakas sa mukha ng babae ng makita nito si Dwayne na seryosong nakatingin lang sa rito. Bumaling ang babae kay Renz at tila namangha ito sa nakita. "Renz?" gulat na banggit ng babae sa katabi niya. "Oh! Yuri, ikaw pala?" ani naman ni Renz na bakas doon ang gulat. Kumunot ang noo ni Dwayne at nalito sa nasaksihan. Ibig sabihin, kilala ni Renz ang babaeng iyon at Yuri pala ang pangalan nito. "Do you know her?" usisa niya kay Renz. "Yeah! she's my childhood friend," sagot ni Renz. Napatango na lang siya habang nangingiti. "Sinusundan mo ba ako, Miss?" tanong niya sa babae na ikinakunot ng noo nito nang bumaling sa kaniya. "Sorry, Sir mali ho ata kayo ng iniisip. Nandito ho ako para mag-apply ng trabaho hindi para sundan kayo. Nagkita lang tayo, sinusundan agad. Hindi ba pwedeng coincidence lang na nagtagpo tayo?" inis na balik nito. Napangiti si Dwayne. "Maybe isn't coincidence but a destiny," patuloy niya. Napasinghap ang dalaga at umirap pa. "Kilala mo ba ang mayabang na lalaking 'yan, Renz?" baling nito sa binata. Natatawang tumango si Renz. "He's my boss, Yuri," pag-amin nito. Napaawang ang bibig ni Yuri pero nakabawi rin agad. "Boss, huh! Pero sa totoo lang mas mukhang alalay mo siya." Sumeryoso ang mukha ni Dwayne at bakas doon ang pagkamangha sa sinabi nito. Napangisi pa siya. "Ako alalay? huh!" Sumighap siya. "Miss, ako na nagsasabi sa inyo huwag mong tanggapin ang babaeng yan sa trabaho," baling niya sa manager. "Masyadong pasmado ang bibig niyan, oh!" Gumuhit ang pagtutol sa mukha ng dalaga at bumaling sa manager. "Ma'am please, kunin niyo na po ako. Kailangan ko po talaga ng trabaho," pagmamakaawa ulit nito. "Sige, Miss ganito na lang. I'll call you if we need a staff ok? Iwan mo na lang 'yang resume mo sa akin," ani ng manager. Bumaling uli sa kaniya ang babae at ngumiti. "Yabang!" angil pa nito at sumimangot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD