Hindi maalis ang kaba sa dibdib ni Maricel mula nang malaman niya ang nangyari sa anak. Hinihintay niyang dumating si Marlon para sabihin ang nalaman niya, iisa lang ang nasa isip niya ngayon na kayang gawin ito sa kanilang anak. "Sana hindi ikaw ang sumira sa buhay ng anak ko Jackson. Ipanalangin mong mali ang aking kutob! Dahil oras na ikaw nga hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!" Mariin niyang sabi, agad na pumasok sa isip niya si Mr Fernandez kanina. Wala siyang ibang lalaki na nasaktan kundi ang ginong lang. "Kamusta ang kalagayan ni Maisyn? maayos na ba ang kalagayan niya?" Tanong ni Manang Mary habang naghahanda ng pagkain ng dalaga. "Hindi ko masasabing okay na siya, because she is still very scared." Malungkot na sagot ni Maricel. "May awa ang Diyos Maricel, magdasal

