*CADMON's POV* Ngumiti ako kay Paxton, I don't care if Astrid is there. Anong akala niya katulad pa rin ako dati na nag-iinit kapag nakita ang babaeng iyon. Nagkakamali siya, galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Maisyn. "Nakakatawa ka Paxton, talagang nag-effort kapa talaga. Hindi ko naman talaga kailangan ng babae lalo na ang Astrid na yan. Dahil uuwi na si Maisyn pagkatapos nating kumain, hindi siya pwedeng magtagal sa labas. Dahil masyadong delikado para sa kanya." Malamig kong sabi sa kanya, tumawa naman siya mahina. Umayos siya ng upo at seryosong tumingin sa akin. "Wala ka nang magagawa, andito na si Astrid, ayaw mo bang makipag-date sa kanya?" Pabirong tanong niya pero hindi ako natawa, tinignan ko lang siya ng seryoso. Alam kong may binabalak ang kupal na ito. Napatingin

