MAISYN's POV NANGINGINIG ang buong katawan ko dahil sa galit, wala na rin akong maintindihan sa sinasabi ni Yosef. Basta ang nasa isip ko ngayon ay mapatay si Paxton, ang hayop na ito bakit ngayon ka pa nagpakita sa akin. Humigpit ang hawak ko sa sniper, dahil naglakad ito palapit sa akin. "Huwag kang lalapit, kasamahan mo ba ang mga humahabol sa'kin?" Seryosong tanong ko, umiling naman siya nakita kong gulat na gulat pa rin siyang nakatingin sa akin. "M-maisyn? what are you doing here?" May pag-aalala na tanong n'ya sa akin. "Paano ka nakapasok dito sa kwarto ko? Bakit may hawak-hawak kang baril?" Sunod-sunod niyang tanong, hindi ko na mapigilan ang aking luha. Lumakad ako palapit sa kanya at hindi nagdalawang isip na sakalin s'ya. "Papatayin kita hayop ka!!" Galit na galit kong

