MAAGANG nagising si Maisyn, babangon na sana siya pero naramdamdaman niyang may nakayakap sa kanya. Si Erven mahimbing pa ring natutulog, pinagmasdan niya ang anak. Naalala na naman ni Maisyn ang mga tanong ni Erven kagabi. Sinabi niya nalang na busy ito sa trabaho, kaya hindi nila kasama ang kanyang ama. Bumuntong hininga siya bago tumingala sa kisame. Nagulat si Maisyn dahil mas humigpit ang yakap ni Erven sa kanya. Para siyang nasa interrogation room at tinatanong kung ano ang kanyang mga kasalanan. Ganoon ang naramdaman niya kagabi, lalo na nang umiyak si Erven. Marami siyang katanungang hindi niya kayang sagutin. "Mommy don't leave me." Mahinang sabi nito ngunit nakapikit pa rin, dahan-dahang hinaplos ni Maisyn ang buhok ng anak. "Mommy won't leave you." Bulong nito bago hinagkan s

