*CADMON's POV* Magandang umaga isang nakakagulat na balita, ang nangyari kay Mr. Jackson Fernandez. Natagpuan itong patay sa k— Hindi ko na pinatapos ang balitang pinapanood ko, isang magandang balita nga ang binungad sa akin. Ngumisi ako bago uminom ng alak. "Tiyak na pinatay siya ng kanyang malupit na kaaway, halos hindi siya makilala dahil sa mga natamo niyang sugat. Well karapat-dapat lang 'yan sa isang katulad niya!" "Nabawasan na ng isang damo, ang anak na lang pala ang kailangan kong patahimikin." Malamig ko na sabi bago muling uminom. Tumayo ako mula sa pagkakaupo dahil may importante pa akong gagawin. Lumabas na ako ng kwarto, pagkababa ko ng hagdan ay agad akong nilapitan ng isa sa mga tauhan ni Tanda. "Sir Cadmon, may magandang balita patay na si Jacson. Ang pumatay sa k

