Hawak-hawak niMaisyn ang isang boteng gamot nakita niya ito sa kanyang drawer. Kanina pa niya ito pinagmamasdan nag-iisip kung dapat ba niya itong inumin o magbibigti na lang. "Iinom na lang siguro ako, hindi ko na kayang makita nila ako na nakabitin at labas ang dila. Sayang naman ang make-up ko para makita nilang ganyang mukha." Mahinang sabi niya habang binubuksan ang bote ng gamot. Nagbuhos siya ng gamot sa kamay, kumuha ng lima ang dalaga at inilagay sa bibig niya bago uminom ng tubig. "Ang pangit ng lasa ano bang gamot to!" Reklamo niya habang hindi maipinta ang mukha dahil nalalasahan niya yung gamot. Nakatitig siya sa kawalan habang inaalala ang masasayang araw na kasama niya ang kanyang mga magulang. "Sana sa susunod kong buhay kayo pa rin ang magiging magulang ko, pero sana

