*CADMON's POV* Nakatingin lang ako sa malayo, hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang lahat ng nangyari. Puno ng galit at panghihinayang ang buong pagkatao ko, nagtiwala ako sa taong nagplanong pabagsakin ako, nandamay pa sila ng inosenteng tao na nagawan ko ng matinding kasalanan. Tumawa ako ng mapakla dahil hindi na ako iba sa kanya, dahil sa aking kapabayaan nasira ko ang buhay ng inosenteng babae. Kung sana nagpigil ako hindi nangyari to ang tanga ko. "Please forgive me, I didn't mean to do that to you. Bumigay ako sa tawag ng laman, hinayaan kong mas nangingibabaw ang init ng katawan ko. Sana mapatawad mo ako, handa akong pagbayaran ang ginawa ko sayo. Sinira ng hayop na iyon ang buhay nating dalawa kaya dapat siyang magbayad. Sisingilin kita Paxton kahit saan ka magpunta hahanapi

