Chapter 50: Happy ending MILKAINE’s POV NGAYONG araw nga ay ikinasal kami ni Froyee at naging mahigpit pa ang pamilya niya dahil hindi naman talaga sila basta-basta at hindi ordinaryong tao lang. Sa gate pa lang ay mahigpit na ang mga guards sa guests na pumapasok. Pagkatapos ng sumpaan namin sa isa’t isa ay matatawag ko na nga siyang asawa ko. Kahit na parang ayaw pa rin siyang pakawalan ng parents niya. Lalo na ang mga kuya niya. Naiintidihan ko naman sila. Ganoon din naman ang nararamdaman namin ni Blaixe noong si Ate Rish naman ang ikinasal kay Kuya Frelando. Pero nagawa pa rin siyang i-let go ni dad dahil alam nitong maaalagaan naman nang maayos si Ate Rish ng asawa niya. Ang araw na ito ay isa ito sa matagal ko nang hinihintay. Ang maikasal sa akin ang babaeng mahal ko. Pero an

