Chapter 31: Rejection PAGDATING namin sa hotel ay sa basement huminto ang kotse ni Milkaine. Umibis na rin ako nang hindi ko na siya hinintay pa na pagbuksan ako ng pinto. Sumimangot pa siya nang makita ang ginawa ko kaya inirapan ko siya. Honestly speaking, wala akong idea kung bakit nga ba ako sumama sa kanya rito sa hotel niya. Puwede ko naman siyang tanggihan pero curious din ako sa hotel nila. I heard na may pinapatakbo rin na hotel ang mommy niya. Lumapit sa gawi ko si Milkaine. Ang isang braso niya ay pumulupot sa baywang ko. Nasasanay na ako palagi sa ginagawa niya after our... I cleared my throat. Nagtungo kami sa elevator. Pinindot niya ang floor ng pupuntahan namin. *** “Welcome to my penthouse, Froyee,” he said. Napatingin pa ako sa isang table kasi may lalaki roon. “Hi, C

