CHAPTER 1

1738 Words
Chapter 1: Froyee’s introduction FROYEE HANNABI’S POV ANG sabi nila, ang buhay na ibinibigay sa atin ni Lord ay may kabuluhan at ang pagmamahal Niya sa atin ay pantay-pantay. Ngunit hindi ko Siya maintindihan. Kung bakit ibinigay Niya sa akin ang lahat ng malas sa buhay ko ngayon. Hindi ko makita kung saan ang pantay-pantay na pagmamahal Niya kung marami naman ang nagdurusa at isa na ako sa mga taong iyon. Minsan ay hindi na ako naniniwala na mayroon Siya. Nawawalan ako ng tiwala at isa lang ang naisip ko sa mga oras na iyon. Tayo lang ang makagagawa ng paraan upang makaalis sa kalungkutan, pasakit at pagdurusa na ito. At tama naman talaga ako, pero nang minsan ay gusto kong takasan ang realidad, ang buhay ko na punong-puno ng sakit at kalungkutan ay sa kauna-unahang pagkakataon ay muli ko Siyang pinagkatiwalaan. Tumakas ako kahit mahirap, tinawag ko Siya at bumulong sa hangin, piping nagdasal ako. Na sana pagbigyan naman Niya ako ngayon. Na sana ilayo Niya ako sa masalimuot na buhay na hindi ko inaasahan na mangyayari pa sa akin. Bata pa lamang ako noong iniwan ako ng Mama ko. Nasa sampung taong gulang pa ako no’n at kamamatay lang din ng aking ama. “Froyee?” “Bakit po, Mama?” tanong ko at bigla niya akong pinaupo sa bench. Nasa bus terminal kami. Pasakay na kasi kami ngayon ng bus at hinihintay lang namin. Ang sabi niya ay aalis kami. Pupunta kami sa probinsya niya para magsimula ng bagong buhay roon. “Nagugutom ka ba, anak?” malambing na tanong nito sa akin at tumango ako bilang tugon. “Bibilhan kita at dito ka muna para hintayin ang bus. Babalik ako agad, ha? Bibili lang ako ng makakain mo. Basta huwag kang umalis dito, ha, anak?” Tumango ako at humikab pa. “Opo, Mama. Dito lang po ako.” Matagal pa akong naghintay hanggang sa may huminto na nga na bus at sumakay na ang lahat ng taong nakaupo sa tabi ko. Napalingon ako sa lugar na dinaanan ng Mama ko at hindi ko pa siya nakikita. Hindi pa rin siya bumabalik. Muli akong napatingin sa bus dahil umandar na iyon at hindi na ako sigurado pa kung may bus pa ba kaming masasakyan ni Mama, maliban doon sa una. Yakap-yakap ko ang bagahe namin hanggang sa naisip ko na lamang na hanapin siya pero hindi ko na siya nakita pa. Naiyak na ako sa takot at pakiramdam ko ay mahihilo na ako sa dami ng taong naglalakad pero nabigo akong hanapin ang aking ina. Doon kami naghiwalay ni Mama at isa lang ang tumatak sa puso’t isip ko na sinadya akong iwanan ng Mama ko kaya siya umalis. Na kunwari ay bibilhan niya ako ng makakain pero hindi na niya ako binalikan pa. Iyak nang iyak ako noong una hanggang sa dinala ako sa bahay-ampunan. Sa batang edad ko noon ay marami na akong natutuhan pagdating sa buhay. Hinahanap ko pa rin ang Mama ko. Minsan ay lumabas ako para lang magtungo sa bus terminal. Naliligaw ako pero sa bahay-ampunan pa rin ang bagsak ko hanggang sa tinanggap ko na sa sarili ko na wala na akong mama na mag-aalaga pa sa akin at makakasama ko. Mag-isa na lamang ako sa buhay ko. Pinangako ko noon na hinding-hindi ko na siya hahanapin pa at kalilimutan ko na rin siya. Dahil akala ko ay mahal niya ako kasi ako ang anak niya pero hindi. Iniwan pa rin niya ako pagkatapos mamatay ni Papa. Masakit tanggapin pero nakaya ko ring pakawalan ang aking ina. Akala ko noon ay masuwerte na ako dahil lang sa may kumupkop sa akin na mag-asawa. Japanese ang lalaki, Pilipina naman ang babae. Mabait sila sa umpisa, iyon ang ipinapakita nila sa punong madre para pagkatiwalaan sila na ampunin ako. Ngunit kalaunan ay inabuso pa rin nila ako. Ginawa nila akong kasambahay at ang masaklap pa ay pinagtrabaho nila ako sa bar. Ilegal iyon dahil nakikita ko na may nagbebenta ng droga. Hindi ko lang alam kung saan nila nakukuha. Walang taon akong nagtiis sa poder nila, dahil hindi ko magawang umalis kasi sa Japan kami nanirahan. Hanggang sa isang gabi ay muntik na akong ipagbili ng nanay-nanayan ko. Isang matabang hapon at kinilabutan ako ng malagkit niyang tiningnan ang katawan ko. Pinilit ako ng inahin ko na magsuot ng damit na halos makita na ang aking kaluluwa. Inaliw ko muna ang lalaking hapon at sinayawan ko siya ayon sa kagustuhan niya pero nang makakuha ako ng pagkakataon ay kinuha ko ang isang bote na wala ng laman saka ko malakas na pinukpok ang ulo niya. Ang nakita ko lang sa kanya ay ang nagdurugo niyang ulo at saka ako tumakas. Sa takot ko na baka napatay ko siya ay hindi ko na binigyan pa ng pansin. Nasa edad na 20 na ako no’n. Nakaalis nga ako sa poder ng mag-asawang umampon sa akin ay nahanap pa rin nila ako. Iyon ang masaklap na pangyayari sa akin. “Ang kapal ng mukha mo para umalis ka sa poder namin! Sino ka para gawin mo iyon, ha?! Kami ang nagpakain sa ’yo! Binihisan ka namin! Binigyan ng magandang buhay!” Itong klaseng buhay ba ang ibinigay niya sa akin? Hindi ko na kailangan pa. Sa kanya na lamang dahil hindi ko kayang sikmuraan. Hampas, sipa, sampal at sabunot ang natamo ko sa kanya. Ngunit ni minsan ay hindi ako umiyak. Wala pa ring emosyon ang mukha ko at matapang ko pa rin siyang sinalubong. Isang linggo rin niya ako ikinulong sa aking silid at hindi pinakain. Hindi ko alam kung matatawag ko rin ba na suwerte ang anak nilang lalaki. Si Haruki. Halos kaedad ko lang siya. “Froyee, kumain ka kung gusto mong umalis na rito sa bahay namin para may lakas ka naman. Ang payat mo pa naman oh, isang pitik lang sa iyo ay bagsak ka na. Naku,” sabi nito sa akin at ibinaba niya ang isang mangkok. Sopas lang iyon pero alam kong masarap pa rin ang pagkakaluto niya. “Kung susubukan ko man na tumakas ay alam kong isusumbong mo ako sa Mama mo. Kilala kita,” may bahid na inis na saad ko. “Hoy, hindi ako sumbungero, ah. Ikaw na ’tong tinutulungan ko, eh judgemental ka pa.” “Aray! Masakit!” reklamo ko dahil binatukan pa niya ako. May kalakasan iyon dahil mabigat ang kamay niya. “Froyee, hindi ba sa Pilipinas ka pupunta?” “Bakit mo tinatanong at bakit alam mo?” masungit na tanong ko at kumain ako ng sopas. Sunod-sunod ang pagsubo ko dahil gutom na gutom na talaga ako. “May kakilala ako na matutulungan ka kung sakali man.” “Wala akong perang pambayad,” walang emosyon na sabi ko at binatukan niya ulit ako. “Ano ba?!” naiinis kong tanong sa kanya. “Wala kang babayaran sa kanya. Ako na ang bahala at ikaw ihanda mo na lang ang sarili mo. Magplano tayo.” Marahan pa niyang tinapik ang ulo ko at mabilis kong tinabig iyon. “Bakit mo ba ako tinutulungan?” tanong ko. “Naaawa na kasi ako sa ’yo, eh. Palagi kang inaaway ng mama ko. Tapos ang papa ko ay balak ka pa niyang ibenta sa mayamang hapon. Kawawa ka naman kapag nagkataon iyon.” “Dahil sa ginawa kong pagtakas ay alam kong magiging mahigpit na ang mga magulang mo sa akin.” “Sayawan mo na lang ang kaibigan ko. Ako ang bahala, kunwari ay payag ka ng makipag-anuhan.” Sinamaan ko siya nang tingin. “Baka mamaya niyan ay niloloko mo lang ako!” “Hoy, hindi ah! Kailan ba ako nagloko? Alam mong matinong tao ako!” depensa nito. Kahit may pag-aalangan man ay pumayag na rin ako sa kanya. Natuwa pa ang mama niya na nang makita ang suot ko. “May birthday po kasi ang isa sa mga kaibigan ko, Mama. Ang gusto niya ay ang stripper mo. Si Froyee Hannabi iyon.” “Nasaan ang bayad?” Naglahad agad siya ng kamay at may ibinigay sa kanya si Haruki. Ewan ko kung saan niya nakuha ang maraming pera. Japanese rin ang kanyang kaibigan at para maging kapani-paniwala ay kumapit ako sa braso niya. Nakaalis kami ng hindi na kami pinagdudahan pa ng kanyang ina. “Oh, stop that. Enough,” sabi ni Haruki ay binaklas ang kamay ko sa braso ng kaibigan niya saka niya ako inilayo rito. Isang barko ang sasakyan ko at ewan ko kung legal ang biyahe nito. Nang makarating kami roon ay nakita namin ang maraming sasakyan at napamura siya dahil kilala niya ang may-ari. Hinubad niya ang leather jacket niya at mabilis niyang ibinalot sa aking katawan. “Sina Mama at Papa iyon kasama ang mga tauhan nila! Sige na, Froyee! Umalis ka na bago ka pa man nila mahuli! Kapag nangyari iyon ay hindi na kita magagawa pang tulungan ulit!” sabi nito sa akin at bago niya ako tinulak ay ibinigay pa niya sa akin ang backpack niya. “H-Hiruki, baka mapahamak ka,” nag-aalalang sabi ko. “Lalaki ako! Kayang-kaya kong harapin ang mga suntok at sipa ni Papa. Kaysa naman ikaw. Sige na! Umalis ka na!” “Magkikita pa tayo, Haruki. Maraming-maraming salamat!” Nagawa ko pa siyang yakapin at mabilis niya rin akong niyakap pabalik saka niya ako tinulak. “Hahanapin pa rin kita, Froyee! Ingatan mo ang sarili mo at magbagong buhay ka na roon! Maghanap ka na lang ng lalaking bubuhay sa ’yo para panatag naman ako sa ’yo!” sigaw nito sa akin. Pinaandar na ang barko pero nagawa pa rin ng mga ito na makasakay. Nagtago ako para hindi nila ako makita. Malaki ang pasasalamat ko kay Hiruki. Hahanapin ko rin naman siya kung may pera na rin ako at pupuntahan ko pa rin siya rito. Sana lang ay may lakas ng loob pa rin ako para harapin ang mga magulang niya na ng hindi na ako natatakot pa at sana pareho Niya kaming gabayan ni Haruki. Totoong mabait iyon at kahit noong mga bata pa kami ay kapag nakikita niyang hindi ako pinapakain ay binibigyan niya ako ng lugaw. Minsan ay nagtatabi siya ng pagkain para sa akin. Siyempre nakikita iyon ng Mama niya kaya siya naman ang pinapagalitan nito. Mabuti na lang din ay hindi siya pinagbubuhatan ng kamay. Kasi nga mahal siya ng mga magulang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD