"Iniisip mo ako?" This voice. It was her. No'ng nakaraan lang, nagkita rin kami rito sa shop niya. Ang lakas pa ng loob niya no'n na magtanong kung may problema ba pero umalis din naman siya agad. Hindi niya man lang hinintay ang isasagot ko. Wala namang sinabi si Jerome tungkol doon. Mukhang hindi niya na masyadong inaasar si ma'am – I mean, Taime, hindi tulad ng dati. Pinihit ko ang tingin ko sa kanya. She looked fine... tulad ng sabi ni Viena. My heart wasn't racing anymore. But there was still something I couldn't take off. My gaze, I guess. Gusto kong umiwas ng tingin. I badly wanted. Kapag hindi ko 'to naalis, pakiramdam ko, magchi-cheat ako. Three years... three years ko siyang hinintay. "What are you doing here?" Still the cocky Riu. Walang pinagbago. "I wanted to

