"Riu, dito ka dali. Picture-an kita," nakangiting aya ko sa kanya. "E, saan?" Mukha talaga siyang bata kapag sinasama ko sa mga ganito. Nasa isa kaming park. Dito ko siya inaya pagtapos namin sa cafe dahil gusto niya rin daw ng fresh na hangin. Mabuti rin 'to dahil nakatakas ako sa masamang tingin ni Rienn. Hindi ko alam kung para saan 'yon at gano'n siya makatingin sa'kin. Selos ba siya na kasama ko si Riu? Pwes! Siya nga kasama niya 'yong singkit na Hazel na lamang lang sa'kin ng kaunting puti pero mas maganda pa rin ako... kailangan ko muna sigurong makaisip ng mas maikling nickname para roon. Nagpapasalamat na lang talaga ako na mahangin at makulimlim ngayon kung hindi mamumura ko rin 'tong panahon na 'to. Ang badtrip lalo kapag may sumasabay sa galit mo. "Dito, oh." Tinuro ko '

