What had gotten into me? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasang itanong 'yan sa sarili ko. May nagawa akong hindi ko dapat gawin. I just confronted him with no plans! And guess what? Pagkatapos kong sahihin lahat ng kagagahan na 'yon, tumalikod ako at umalis na parang wala lang. That was the most dumb decision I had made so far! Nakakagigil ang sarili ko at kung pwede ko lang maibalik ang oras, tiyak na ilang sampal na ang naigawad ko sa sarili ko. Sino ba naman kasing matino ang lalapit sa ex nila para magsabi ng gano'ng bagay? Nakakahiya! "Hindi ka pa nakamove on, ma'am?" Pinatong ni Jerome ang tasa ng kape sa mesa ko at ngumiti. Ilang araw na ba ang nakalipas mula no'n? Hindi ko na nabilang. Masyadong occupied ang isip ko roon at napagalitan na ako ni dad dahil hindi ako ma

