"May darating na bisita bukas, okay? 'Bawal kang lumabas. Dito ka lang sa kwarto mo." Pangaral sa'kin ng isang katulong habang inaayos ang kwarto ko. "Bakit po? Hindi ba sila pwedeng makita?" Nagtataka kong tanong at tumakbo papunta sa maliit kong bintana para sumilip sa labas. Minsan lang ako makalabas. Gustong-gusto ko ang hangin, halaman at araw. Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag dumadapo sila sa katawan ko o nakikita ko. Sa isang linggo, maswerte na ako kung makalabas ako ng dalawang beses. Kadalasan, isang beses lang ako pinapayagan at tuwing Monday 'yon. Kaso may bisita raw bukas sabi ng katulong kaya baka hindi pa ako makalabas. "Pwede silang makita pero hindi ka nila pwedeng makita," sabi niya. "E, talaga? Bakit naman? Matatakot ba sila sa'kin?" Umiling siya. Lumungkot ang m

