Sa pagmulat ng kaisipan, may tama o eksakto nga bang edad itong sinusundan para iyong matandaan sa kasalukuyan?
Marahil ay halos lahat ng tao ay paiba-iba ng sagot sapagkat walang tugmang edad ang karamihan kung kailan namulat ang kanilang isip sa mundo ng kawanangan.
Pero may isang dalagang namugso ang kaisipan sa murang edad lamang.
Shaiyeen, 16 na taong gulang pero mulat na ang kanyang kaisipan nung nagkahiwalay ang kanyang mga magulang sa murang edad na 12 anyos lamang. Masakit para sa kanya pero hiniling niya ito sa Ama. Oo ang pangit mang pakinggan pero hiniling niyang magkahiwalay nalang ang kanyang mga magulang kesa paulit-ulit niyang masaksihan ang panglolokong paulit-ulit na ginawa ng kanyang nanay sa kanyang tatay.
Bagama't inaasam niyang magkahiwalay ang kanyang mga magulang, ang di niya inaasahan ang pagbabago ng takbo ng kanyang buhay. Ang dating pangloloko lang ng nanay niya ang kanyang natatandaang problema ay naging mas marami pa. Ang buong akala niya na pag magkahiwalay na ang kanyang magulang ay maayos na sapagkat sa isip niya ay wala ng away, wala ng sigawan, wala ng basagan ng gamit, at higit sa lahat ay wala ng sakitan tuwing gabi sa pagitan ng kanyang nanay at tatay.
Sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang doon nagsimula ang kanyang paghihirap. Unti-unting nawawala ang mga bagay na dating sa kanya. Unti-unti niyang nararanasan ang hirap ng buhay na di niya nararanasan nung buo pa ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang naramdaman na kulang pala ang kanyang pagkatao sapagkat di na kumpleto ang pagmamahal na gusto niyang maramadaman.
Maraming mga hiling si Shaiyeen ngunit tanong sa isip niya'y bakit yung hiling pa na makakapagbago ng sobra sa kanyang buhay ang natupad?
Hindi ba pweding bawiin yung hiniling? Hindi ba pweding ibalik yung oras ng paghiling para mga salita'y di na muing sambitin?
Ayon nga sa salitang Ingles " be careful of what you wish for because it might come true in the future and you will regret it afterall"
Hindi na pweding ibalik pa ang nakaraan kaya harapin mo ang kasalukuyan...