CHAPTER 1

2530 Words
Chapter 1. Brent POV Nagising ako dahil sa kirot nang sintido ko. 'Ahh!' Madiin kong pinikit ang mata ko saka ko ginalaw ang kamay ko para hawakan ang noo ko pero pag tingin ko sa dalawang kamay ko ay may metal na nakapalibot dito. "What the f*ck!" Inis na sabi ko habang nakatingin sa mga kamay ko. Isang malamig na metal ang nakapalibot sa dalawang kamay ko. Bakit nakaposas ang aking mga kamay? Nasaan ako? Tiningnan ko ang paligid at kung hindi ako nagkakamali nasa isang silid ako. Walang bintana at tanging pinto lang ang meron. Walang gamit maliban sa isang malambot na higaan na nasa likod ko ngayon. Tanging ang puting ilaw lang ang nagbibigay nang liwanag sa kwartong ito. Kung titingnan mo ang lugar kung nasaan ako ngayon ay iisipin mong nasa isang tagong lugar ako kung saan malayo sa kabihasnan. Paano ako napadpad sa lugar na ‘to? Hindi ko matandaan ang huling nangyari bago ako napadpad sa lugar na ‘to. "Nasaan ba ako!?" Inis na tanong ko pero umalingaw-ngaw lang sa loob nang silid ang boses ko. May nakakarinig ba sa ‘kin sa lugar na ‘to? I feel so hopeless. Hindi ko matanggal ang kamay ko at lalong hindi ko maigalaw ang katawan ko. Parang sinisingil na yata ako sa mga kasalanang nagawa ko. Muli kong nilibot ang mata ko. Walang ibang daan para makatakas ako maliban sa isang pinto. May aircon ang loob nang silid kaya hindi ako naiinitan pero pakiramdam ko hindi ako makahinga dahil sa kaba. Pilit kong inaalala ang mga nangyari pero wala akong matandaan. Gusto kong tanggalin ang posas sa kamay ko pero tulad kanina ay hindi ko magawa. "What happened last night?" Tanong ko sa sarili ko. Ginalaw ko ang paa ko habang nakatihaya. Mabuti nalang at hindi ito nakatali pero wala parin akong magawa. Nakaposas ang kamay ko at kahit anong gawin ko hindi ako makaalis sa hinihigaan ko. Nakatihaya ako habang nakataas at nakagapos nang metal ang dalawa kong kamay at ang malaya ko lang  naigagalaw ay ang aking mga paa. Kung pwede lang sana akong tumakbo at iwan ang aking mga kamay sa lugar na to ay ginawa ko na. Pero anong magagawa ko kung ganito? "Damn it!" Idagdag mo pa ang sakit nang ulo ko. Parang nauntog yata ako kagabi ng hindi ko namamalayan dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Sinong lintik naman ang humampas sa ulo ko? Bakit wala akong maalala? "F*ck!" Pinikit ko ang mata ko at pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. -- FLASHBACK "Where is Bullet Brent Elid-Santiago?" Galit na tanong ni Jessica? Jessa? Jerica? I forgot her name. She's my currently girlfriend. Nakatingin lang ako sa kanila habang nakahawak sakin ang dalawang lalaki sa gilid ko. She can't see me from here pero ako kitang-kita ko siya. Kitang –kita ko ang inis sa mukha niya habang hinahanap ako. Such a loser! Mahal niya raw ako. Kaya ba siya nagpapakitang hilas ngayon sa harap ng mga lalaking ‘to at halos ipangalandakan na ang sinasabi niyang pagmamahal? Halos lahat yata ng naging girlfriend ko, sinasabi nila na mahal nila ako. Napapatawa nalang ako sa kanila. Hindi talaga nila alam kung anong pinagsasabi nila. Pagmamahal? Ganun ba dapat ang pagmamahal? ‘Yung tipong magiging makasarili ka dahil sa pagmamahal. ‘Yung tipong magiging masama ka dahil sa tinatawag mong pagmamahal. Bawat babae yatang nakikilala ko may iba’t ibang klase ng pagmamahal na pinapakita sa ‘kin. Hindi ko maigalaw nang maayos ang buong katawan ko at ang tanging sumusuporta lang sa katawan ko ay ang dalawang lalaki sa tabi ko. Pakiramdam ko sobrang nalasing ako ngayon pero hindi naman ako masyadong uminom. 'She drugged me!' Naalala ko ang binigay niyang alak kanina. I just thought na peace offering niya ‘yun sa pag sampal niya sakin nung nakaraang araw. I'm such an idiot to believe her. Hindi ko nga alam kung anong trip niya sa buhay niya at bakit binalikan niya pa ako. Ang akala kong tapos na ay ngayon ay binabalikan niya. Dapat ba ganun ang pagmamahal? Kung mahal mo ba dapat binabalikan mo? Kung mahal ka niya dapat sa simula palang hindi ka niya iniwan. “May naloko ka na naman, Bullet.” Nakangising sabi niya saka lumapit sa pwesto ng babaeng naghahanap sa kin. Kahit halos wala na ako sa sarili ko ay kitang-kita ko parin kung papaano niya binuhusan ng alak ang babaeng naghahanap sa ‘kin. “Walang hiya ka! Nasaan si Brent?” susugurin niya sana ang babaeng nagbuhos sa kanya ng alak ng pinigilan ito ng mga bouncer. “Nasaan siya, malandi ka!?” tumawa naman ito bago muling nagsalita. "You don't have to know. I'm just claiming the playboy." Napanganga ako sa sinabi niya. 'What? She's wha--' Saka ako nawalan nang malay. END OF FLASHBACK -- "F*ck! F*ck! F*ck!" Inis na mura ko sa sarili. Ang tanga ko para maniwala sa kanya! Muli kong pinakiramdaman ang paligid. Hindi naman marumi ang kwartong to at hindi rin mabaho. Pero bakit niya ako kinulong sa lugar na ‘to? Napayukom ko ang aking kamao. Napabuntong hininga ako. Siguro mabuti narin ‘to dahil wala rin naman akong matitirhan. Lagi nalang akong nasa bahay ng mga babaeng nagiging girlfriend ko. I'm a playboy and I have my reasons. Punterya ko ang mga babaeng katulad ‘niya'. ‘Yung mga babaeng may kaya at mga babaeng may sariling apartment o condo. Ganung klaseng mga babae ang gusto ko. Mayayaman. Sa lahat nang naging girlfriend ko, 'siya' lang ang mayaman talaga kaya hindi na ako magtataka kung ba’t nadala niya pa ako sa ganitong lugar. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko napasagot ang babaeng ‘yun. Marami siyang mayayamang manliligaw at marami ring nagkakagusto sa kanya pero mas pinili niya parin ang isang tulad ko. Pero bakit ko ng aba siya niligawan? Mula nung grade 7 kami ay napapansin ko na siya. Tahimik lang siya lagi sa upuan niya and she’s really plain and simple. Hindi ganun ang mga gusto ko. Hanggang sa umabot kami ng grade 10, dun ko siya napansin dahil sumasali na siya sa mga dance troupe at battle of the band. She’s quite talented at that time at talagang bigla siyang gumanda. Though ayoko parin sa kanya dahil sa pagiging looner niya at naweweirdohan ako sa kanya ay niligawan ko parin siya. At sa hindi inaasahan ay sinagot niya ako. Ako ang una niyang naging boyfriend. "Well, well, well." Narinig ko ang pag bukas nang pinto at pumasok siya. Ang babaeng inaasahan ko. Ang babaeng kumuha sakin. "Allysana." Banggit ko sa pangalan niya. Ngumiti siya nang pagka lapad-lapad. Muli kong nasilayan ang kanyang maamong mukha. Ang malaanghel niya na mukha pero may nagbago sa mukha niya. May nagbago sa mga mata niya. May nagbago sa ngiti niya. "Anong ibig-sabihin nito?" Nagugulohan kong tanong sa kanya saka siya tiningnan nang masama. "Paano mo nagawa to?--" Kahit alam ko na ang sagot ay tinanong ko parin siya. "Simply because I can." She smiled sweetly saka siya lumapit sa pwesto ko. Hinawakan niya pa ang buhok ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa kin. "Hindi kita maintindihan." Naguguluhang tanong ko. “Bakit mo ‘to ginagawa, Allysana?” tumawa siya, “Dahil ba sa ginawa ko sayo noon?” nawala ang ngiti sa mukha niya saka niya ako sinampal at eksantong napalingon ako sa gilid ko. Sobrang lakas ng sampal kaya naalala ko tuloy kung gaano siya kabaliw sa ‘kin noon. Tumayo siya at lumapit sa lalaking kasama niya para humingi ng upuan. Agad naman siyang sinunod nito. Hindi muna siya umupo rito at ngumising lumapit ulit sa may uluhan ko. "Bullet Brent Elid-Santiago. Playboy. Mahilig sa mayayamang babae--Ops! Ako lang pala ang pinakamayamang naging girlfriend mo." Nakatingala ako sa kanya dahil nakahiga parin ako habang nakakadena ang aking mga kamay. Anong gusto niyang mangyari? Kitang-kita ko sa mata niya na nasasaktan siya pero wala akong magawa sa nararamdaman niyang sakit ngayon. Hindi ko na siya kaya pang balikan. "What do you want from me?" Galit na tanong ko. Hindi nakakatuwa ang ginawa niyang pagkulong sa kin sa lugar na ‘to. Hindi rin nakakatuwa ang paggapos niya sa mga kamay ko. "You!" Saka ulit ito tumawa. "Mahilig ka sa mga tulad kong kaya kang buhayin ‘di ba? Nakakaawa ka! Hindi mo kayang buhayin ang sarili mo at ikaw lang ang gumastos sa sarili mo. Bakit? Simple. Dahil wala ka nang pamilya. Wala kang kaibigan. Nakakaawa ka--" hindi ko na siya hinayaang makatapos pa sa sasabihin niya. Ayokong marinig ang mga pinagsasabi niya. "Paano mo nalaman ang lahat ng ‘yan?" Naguguluhan na tanong ko. Lahat ng girlfriend ko ay walang alam tungkol sa pagkatao ko. Ganun naman ang mga babae, mas gusto nila ang ma misteryosong lalaki. Ngumisi ako ng nakakaloko "At sinong mas nakakaawa sa ‘tin ngayon Allysana?! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo dahil sa kagustohan mong balikan kita ay mas pinili mong dalhin at kulungin ako sa lugar na ‘to. Bakit, Allysana? Sabik na sabik k aba sa ‘king pagmamahal?" Ngumiti ako ng nakakaloko. Tumawa siya habang lumalapit sa gilid ko saka siya pumaibabaw sakin. Nakaupo siya ngayon sa may dibdib ko at sinapal ako sa mukha. Darn! Ang sakit ng pagkakasampal niya. This girl is really violent! Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Hindi na masyadong malakas ang sampal niya pero sapat lang para mamanhid ang pisngi ko. Ramdam ko ang galit sa kamay niya dahil sa panginginig nito pero hindi ako nagpainda. I feel something touches my heart but I’m pretty sure that it is not love or longing to someone. Again, it does not exist. "The f*ck!" Inis na mura ko kaya mas tumawa siya ng mas malakas. May bago sa mga tawa at ngiti niya. Hindi na ito tulad ng dati. May kulang na. "Ito ang gusto mo ‘di ba?" Saka niya nilingon ang paligid. "Wala kang bahay. Binigyan kita. ‘Yun lang naman ang gusto mo ‘di ba? ‘Wag kang mag alala, pakakainin naman kita. Hindi ka magsisisi at syempre wala ka ring karapatang tumanggi. Akin ka!" Ngumisi siya. “Sa tingin mo nakakaawa ako?” tumawa ulit ito, “Ngayon ipaparamdam ko sayo kung ano ang nararamdaman ko. Sabi mo hindi mo ako mahal, pwes, ngayon ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal na hindi mo naranasan kahit kailan. Simula ngayon maniniwala ka kung anong dati hindi mo kailan man pinaniwalaan.” Nakita ko ang nagbabadyang luha niya pero pinigilan niyang ‘wag maiyak. I know how strong she is. Kahit noong dati pa na girlfriend ko siya. "Paalisin mo ako rito, Allysana! Baliw kana!" Galit na sigaw ko. Inaamin ko. Naiinsulto ako sa pinagsasabi niya at hindi ko man aminin alam kong totoo ang sinasabi niya. “Hinding-hindi mo magagawa ang mga pinagsasabi mo, Allysana.” "I'm scared." Umakto itong natatakot at I found her cute, saka ito tumawa. 'The fudge! Nasisiraan na talaga ang babaeng to.' Umalis ito sa dibdib ko pero nanatili parin akong nakatihaya. Ginalaw ko ang paa ko pero nilingon niya lang ‘yun at napailing. "Kailangan mong mabuhay. Magsasama pa tayo ‘di ba?" Ngumiti ito saka naglakad malapit sa tenga ko. Nakatayo siya at nakatingala ako sa kanya. “Mamahalin mo ‘ko, Bullet. Sa ayaw at sa gusto mo.” 'She's doing this on purpose!' Nakasuot kasi siya nang maikling palda at cute na blouse. Kaya habang nakatayo siya malapit sa ulo ko ay malaya ko namang nakikita ang nasa loob nang palda niya. 'F*ck s**t!' “Hindi napipilit ang pagmamahal, Allysana.” Tumawa siya sa sinabi ko. “Bakit, Bullet? Alam mo ba kung ano ang pagmamahal ni kahit kailan ay hindi mo naman naranasan?” Tumawa siya nang makita ang reaksyon ko saka nag lakad palabas. Hindi na ako nakapagsalita nang makapasok ang dalawang lalaki at kenadenahan ang dalawang paa ko. -- Ilang oras lang mula nang pumasok siya rito. Hindi ko na alam kong anong oras na at kung anong araw na ngayon. Sinulyapan kong muli ang mga paa ko. May dalawang kadena na sa paa ko at nakabukaka pa ako. 'I'm helpless. Kung titinngnan mo ay parang nakatyamba na ako kay Allysana dahil sa bukod sa maganda at matalino ay mayaman pa ito. Hindi ko naman itatangging naakit niya talaga ako noon at hindi ko rin naman inasahan na magugustuhan niya rin ang tulad ko. Sino ba naman ako? Mula nung elementarya ay kilala na akong playboy, manloloko at kung ano-ano pang tinatawag nila sa ‘kin pero nagustohan niya parin ako. Nung sinabi niyang mahal niya ako noon ay talagang nagulat ako. Sa murang edad naming ay alam niya na agad kung ano ang pagmamahal? Hindi ako naniwala kaya pinili kong iwan siya. Pumasok ang isang lalaking may dalang pagkain. Amoy palang nito ay mas lalo akong nagutom. Sinulyapan ko ang laman nang plato at nakita ko ang dalawang cup nang kanin at beaf steak. May dala rin siyang apple at orange juice. Napangiti ako. Ito ang pagkaing pabirito kong lutuin ni Allysana. Ito ang lagi niyang hinahanda sakin nung kami pa. Kahit pala kinulong niya ako ay pakakainin niya parin ako sa niluto niya. Sinubu-an ako nang lalaking naka suit. Tinitigan ko siya habang pinapakain niya ako. Nakayuko lang siya at nakikita ko sa kanya ang pag galang. Hindi sakin, kundi sa amo niya. 'Ganyan siya ka yaman, Brent!' Kung tutuusin ay napakaswerte ko sa kanya at ang tanga ko dahil pinili kong saktan siya. Pero hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko. Tama rin naman siya. Wala rin namang maghahanap sakin dahil wala na akong pamilya. Ulila na kumbaga. ‘Yung tinuturing kong auntie, namatay na. Halos ako nga ang bumubuhay sa kanya pero ‘yun nga at naaksidente siya ng hindi ko manlang nalaman kung nasaan ang mga tunay kong magulang. Tapos na akong kumain at muling umalis ang body guard ni Allysana. Nasaan ba talaga ako? Hindi parin ako makapaniwala na magagawa ni Allysana sakin to. The Allysana that I used to know was kind, sweet, and understanding. Nasaan na ba si Dos at si Zeke? Naturingan ko pa namang mga barkada pero hindi man lang ba sila nag taka na wala ako sa condo nila? Mga mayayaman! Mga spoiled! Eh ako? Hindi man lang ba nila ako hinanap? Wala man lang bang naghahanap sakin? Bakit ba naging ganito pa ang takbo nang buhay ko? Siguro nga mas mabuti na tung ganito. Mas mabuti nang nasa puder ako ni Allysana. "Holy s**t!" Inis akong napatingin sa kesame. May butiki at tinaehan ako! "Walang hiya!" Galit na sigaw ko. Naramdaman ko ang tae nang butiki sa ilong ko. Medyo may basa pa ang tae nito at dahan-dahang nahulog sa pisngi ko. "Great!" Inis na sabi ko. Wala na bang mas nakakadiri pa nito? Wala na bang mas malas pa nito? Ang saya! Tss! Narinig ko ang pag bukas nang pinto kaya nilingon ko kung sino ‘yun at di nga ako nagkamali. "Allysana." Tawag ko sa kanya. "Yes, baby." Malambing na wika nito at nilibot ang mata niya sa katawan ko saka napailing. Suot ko parin ang damit nang kinuha nila ako mula sa bar. Faded na pantalon at v-neck na white shirt na meron na ring mansa. Umupo siya malapit sa mukha ko kaya nakita kong muli ang nasa loob nang palda niya at alam kong sinasadya niyang mangyari ‘yun. Ngumisi siya saka kumuka nang panyo sa loob nang maliit na bag niya saka niya ito pinahid sa mukha ko. Kumukha rin siya nang alcohol sa bag niya. Akala ko ay lalagyan niya nang alcohol ang panyo niya pero iba ang ginawa niya. "Wh-what are you doing?" Tanong ko sa kanya nang makita kong hinuhubad niya ang panty niya. 'The f*ck!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD